Toni Fowler, aminadong hindi mahilig sa mamahaling bags

Toni Fowler, aminadong hindi mahilig sa mamahaling bags

- Isa sa mga naikwento ni Toni Fowler kay Karen Davila ay ang tungkol sa hilig nito sa mga bags

- Subalit taliwas sa ibang mga kilalang YouTuber na mga luxury bags naman ang hilig, hindi ganoon ang mga bag na meron si Toni

- Laking gulat nga ni Karen Davila nang bumisita ito sa kanya at nakita ang bag ni Toni na nagkakahalaga lamang ng Php359

- Sa kabila kasi ng umano'y milyon-milyon nang kinikita nito, nanatiling simple ang mga gamit ni Toni na labis na ikinabilib sa kanya ni Karen

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, isa sa mga naipakita niya ay ang mga cute na bag collections niya.

Toni Fowler, aminadong hindi mahilig sa mamahaling bags
Toni Fowler kasama si Karen Davila (Karen Davila YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na taliwas sa hilig ng ibang mga kapwa niya YouTuber na pawang luxury bags ang koleksyon, cute bags naman ang kay Toni na pareho nilang hilig ng anak niyang si Tyronia.

Read also

Toni Fowler, Php800,000 ang kauna-unahang kita sa YouTube

"'Yung mga bag na koleksyon ko gusto ko 'yung mga kakaiba lang," ani Toni habang ipinakikita kay Karen ang bag na mukhang bola. Nilinaw naman ni Karen na hindi branded ang mga ito subalit para kay Toni ay kaaya-aya dahil sa kakaiba nitong mga disenyo.

Paglilinaw naman ni Toni, mas 'fan' umano siya ng ginto kaysa mamahaling bag o kotse na madals namang makita sa ibang mga tulad niyang YouTuber.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Fan ako ng gold, kasi tumataas yung price niya. Pero sa mga bags, sa mga ano hindi talaga e. Kahit sa mga kotse hindi ako 'yung nagniningning 'yung mata ko sa ganun," ani Toni na labis na ikinahanga sa kanya ni Karen.

Sa kabila ng payo ng kaibigan na bumili ng kahit isang branded na bag para lang magkaroon ng impression sa maaring maka-meeting ni Toni, nanatili pa rin siya sa mga simple, hindi mahal ngunit eleganteng mga bags.

Read also

MG, ni-real talk si Wilbert Tolentino tungkol sa pakikipag-collab

"Si Toni Fowler na po ito ha, na kumikita ng milyon-milyon, ang bag Php359. Ganyan dapat tayo, wise sa pera," ani Karen.

Narito ang kabuuan ng panayam niya kay Toni Fowler na mula sa Karen Davila YouTube channel:

Kamakailan, nadawit umano ang pangalan ni Toni Fowler sa kontrobersyal na hindi pagkakaunawaan ng kapwa niya mga YouTuber na sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Ito ay dahil sa pasabog ni Wilbert kung saan nasabi raw umano ni Zeinab na pawang trash ang ibang mga content creators at sinasabing isa na rito ang grupo ni Toni Fowler.

Inalmahan ito ni Toni dahil na rin sa kanyang pamilya kaya agad itong naglabas ng video sa paglalabas niya ng saloobin ukol sa isyu.

Subalit matapos na humingi ng tawad ni Zeinab, aminado itong humanga siya sa pagiging mapagpakumbaba nito sa gitna ng kontrobersiya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel