Wilbert Tolentino, sinabing traumatic ang experience nila sa Uganda

Wilbert Tolentino, sinabing traumatic ang experience nila sa Uganda

- Ayon kay Wilbert Tolentino, traumatic ang kanilang karanasan si Uganda para sana sa pagsabak ni Herlene Nicole Budol sa Miss Planet International 2022

- Ito ay matapos niyang i-withdraw si Herlene sa naturang pageant dahil sa mga binahagi niyang dahilan

- Kabilang sa mga dahilan umano ng pagkaantala ng pageant ay lagpas kalahati ang umano ang hindi naka pasok sa Africa dahil wala silang Yellow Fever Vaccine

- Nagbackout din umano ang sponsor ng naturang organisasyon dahil sa isyu ng ebola virus

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpaliwanag si Wilbert Tolentino kaugnay sa pagkakaantala ng Miss Planet International 2022 pageant. Bilang National Director Miss Planet International Philippines, nasasaktan umano siya sa nangyari.

Wilbert Tolentino, sinabing traumatic ang experience nila sa Uganda
Wilbert Tolentino, sinabing traumatic ang experience nila sa Uganda (@herlene_budol)
Source: Instagram

Sa kanyang post, binahagi ni Wilbert ang ilan sa mga naging aberya kung bakit nagkakarron ng isyu kung matutuloy pa ba ang naturang pageant.

Read also

Madam Inutz, nalungkot sa sinapit ni Herlene Budol sa Miss Planet International

Kabilang sa mga dahilan umano ng pagkaantala ng pageant ay lagpas kalahati ang umano ang hindi naka pasok sa Africa dahil wala silang Yellow Fever Vaccine. Umatras din umano ang dalawa sa kanilang sponsors na magbibigay sana ng accommodation para sa mga kandidata. Dahil dito ay kailangang maglabas ng kanilang sariling pera ang mga kandidata para sa kanilang pamamalagi doon. Dahil dito ay marami na rin sa kanila ang umatras sa pageant.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Read also

Wilbert Tolentino, idinetalye ang umano'y aberyang naganap sa Miss Planet International

Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.

Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate