Zeinab Harake, humingi ng dispensa sa mga kaibigang nadamay sa isyu

Zeinab Harake, humingi ng dispensa sa mga kaibigang nadamay sa isyu

- humingi ng dispensa si Zeinab Harake sa mga taong nadamay sa isyung kinasangkutan

- Sa isang panibagong post ay hindi niya pinagkaila na nasabi niya ang mga nasa screenshot at hindi umano niya napag-isipan ang mga nabitawan niyang salita

- Kaya naman, hindi umano siya magbibigay ng excuse sa kanyang nagawa kundi hihingi lang ng dispensa

- Humingi din siya ng tawad sa mga tagasuporta niya na nadismaya sa kanya at sisikapin niyang maging mas mabuting tao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Humingi ng dispensa si Zeinab Harake sa mga taong aniya ay nadamay sa isyung kinakasangkutan niya. Hindi niya pinagkaila na nasabi niya ang mga nasa screenshot at hindi umano niya napag-isipan ang mga nabitawan niyang salita.

Zeinab Harake, humingi ng dispensa sa mga kaibigang nadamay sa isyu
Zeinab Harake, humingi ng dispensa sa mga kaibigang nadamay sa isyu (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Hindi umano siya magbibigay ng excuse sa kanyang nasabi ngunit humingi siya ng dispensa kina Jelai, Alex, Donna, Ivana, Robi, Sanya, Whamos, Toni, Toro Fam, Makagago, Inuts at Sachzna.

Read also

Toni Fowler, sinabing napatawad na niya si Zeinab Harake

Humingi din siya ng tawad sa mga tagasuporta niya na nadismaya sa kanya at sisikapin niyang maging mas mabuting tao.

Humihingi rin po ako ng tawad sa lahat ng zebbies ko na sobrang nadismaya sa akin. Tao lang din po ako at hindi perpekto. Nawa'y magkaroon po ng kapatawaran ang pagkakamali kong ito and I will try my best upang magbago, again galing sa puso ko I'm so sorry.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang matapos lumabas ang video ni Wilbert Tolentino ay dumipensa si Zeinab sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert laban sa kanya. Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers. Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo.

Read also

Zeinab Harake, inaming sinira niya ang studio ni Skusta Clee

Nilinaw naman ni Zeinab na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert. Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito. Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila. Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel