Robi Domingo, nilapag ang 'patunay' na mayroon siyang market

Robi Domingo, nilapag ang 'patunay' na mayroon siyang market

- Kinaaliwan ang post ni Robi Domingo sa Twitter sa gitna ng pagkakabanggit ng pangalan niya sa isyu nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake

- Binahagi niya ang picture ng isang public market na may nakalagay na pangalang Robi Domingo

- Matatandaang sa nilabas na screenshot ni Wilbert ay makikita sa umano'y message ni Zeinab na walang market umano si Robi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Pabiro din nitong ginamit ang iconic na linyang “Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!”

Nag-post si Robi Domingo ng picture ng isang public market na may nakalagay na pangalang Robi Domingo sa Twitter. Kalakip ng picture ay ang iconic na linyang “Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!”

Robi Domingo, nilapag ang 'patunay' na mayroon siyang market
Robi Domingo, nilapag ang 'patunay' na mayroon siyang market (@iamrobidomingo)
Source: Facebook

Matatandaang sa nilabas na screenshot ni Wilbert ay makikita sa umano'y message ni Zeinab na walang market umano si Robi.

Read also

Wilbert Tolentino, sinabing threatened umano si Zeinab kina Madam Inutz at Herlene

Robi Domingo, nilapag ang 'patunay' na mayroon siyang market
Robi Domingo, nilapag ang 'patunay' na mayroon siyang market (Screenshot from facebook.com/SirWilOfficialFanPage)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang komento ng netizens sa tweet na ito ni Robi:

Hahahahaha naku Robi, on a serious note, you’re on a whole other level, please.
Haleerrrr walang market? Ahahahaha nakakatawa sobrang bentang benta nga tong si sir .
Apaka witty mo tlga beh. Kaya lab ka namen. Dun tayo sa may kalidad!! Gnoin

Si Robert Marion "Robi" Eusebio Domingo o mas kilala bilang si Robi Domingo ay isang VJ, actor, dancer, at host. Una siyang sumikat sa mundo ng showbiz nang sumali siya at kinilala bilang first runner-up ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Naging bahagi siya ng mga artista ng Star Magic.

Matatandaang nagbigay komento si Rob kaugnay sa viral na PBB teens episode. Imbis na Gomburza ang isagot patungkol sa Filipino martyr priests, "MaJoHa" ang isinagot ng housemate. Kaya naman may hamon si Robi sa mga content creators ngayon sa paglikha ng mas makabuluhang mga konsepto ng kanilang video. Aniya, nasasalamin din sa pangyayari ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Read also

Juliana Parizcova, naimbitahan sa Ms.Q&A; "Hindi po ako pwede, may shooting po ako"

Kabilang si Robi sa naging usap-usapan lalo nang mabanggit sa nilabas na video ni Wilbert Tolentino. Sa kanyang official Twitter page, nagpost si Robi ng tanong na "how true." Dahil sa kainitan ng isyu tungkol sa mga screenshots na nilabas ni Wilbert Tolentino, hindi maiwasan ng mga netizens na iugnay ang post na ito ni Robi sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel