Andrew Schimmer, nag-hysterical umano dahil sa sama ng loob sa nangyari sa asawa
- Ayon kay Andrew Schimmer, nag-hysterical siya nang mapagtanto niyang may mali ang nutritionist na nag-prescribe ng sobrang sodium sa asawa niya
- Ikinasama ng loob niya na naging maayos na ang lagay ng kanyang asawa nang maiuwi niya ito kamakailan
- Hindi umano niya hahayaang ipasalo ng naturang ospital sa iba ang naging mali ng kanilang tao
- Sa kanyang pagbabahagi ng detalye ng pangyayari sa panayam nina Julius at Tintin Babao, pinanindigan niyang hindi niya ililipat ang asawa niya sa ibang ospital
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Aminado si Andrew Schimmer na sa sobrang sama ng loob niya ay nag-hysterical siya nang mapagtanto niyang may mali ang nutritionist na nag-prescribe ng sobrang sodium sa asawa niya. Sa kanyang pagbabahagi ng detalye ng pangyayari sa panayam nina Julius at Tintin Babao, pinanindigan niyang hindi niya ililipat ang asawa niya sa ibang ospital.
Aniya, magkakaroon ng epekto sa kidney ng asawa niya ang nangyari kaya pinanindigan niyang dapat ay ayusin ng ospital ang problema.
Mag-iiwan ng permanent damage sa kidney niya itong scenario na nangyari na to. So kailangan nila tong harapin, kailangan nila tong ayusin.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).
Binahagi din niya ang nakakaantig na video kung saan makikita ang bunsong anak niya kasama ang mommy nito. Base sa binahagi niyang video ay makikita ang reaksiyon ng misis niyang si Jorhomy sa pagyakap ng anak nila. Tila gusto din nito na yakapin ang bunsong anak ngunit hindi pa rin ito tuluyang nakakagalaw ng normal kaya ang ulo lamang niya ang nilapit niya sa anak. Ani Andrew, ito umano ang unang pagkakataon na ganoon ang naging reaksiyon ng kanyang misis mula nang maospital ito noong nakaraang taon.
Samantala, sa isang video ay hindi napigilang maiyak ni Andrew sa mensahe ng kanyang dalawang anak na sina Andrea at Sandro Schimmer. Ito ay nang mag-guest siya sa programang "Moments" sa Net 25 na kung saan si Gladys Reyes ang host. Ayon sa mga anak niya, sana ay magpahinga din si Andrew at alagaan nito ang sarili niya para maalagaan niya ang kanilang mommy. Alam umano nila na kung makakapagsalita ang mommy nila ay gusto din nitong magpahinga din ang ama nila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh