Andrew Schimmer, nagbigay ng babala laban sa mga scammer
- Nagbabala si Andrew Schimmer laban sa mga scammers na gumagamit ng pangalan niya para makapanloko
- May mga tao kasi na gumawa ng account sa social media para makakuha ng pera sa mga taong nais magbigay ng pera sa pamilya ni Andrew
- Aniya, sana ay makonsensya naman ang mga taong gumagamit ng pangalan nila para lang makapangloko
- Nilinaw niya rin na dalawa lang ang account sa Facebook na pagmamay-ari niya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagbabala si Andrew Schimmer laban sa mga scammers na umano ay ginagamit ang pangalan niya para makapangloko. Ang tinutukoy niya ay ang mga gumagawa ng social media account gam,it ang pangalan niya para makakuha ng persa sa mga taong nais makiramay sa kanila.
Ani Andrew, sana ay makonsensya naman ang mga taong ito na sinasamantala ang mga taong nais makiramay sa kanila. Inudyukan niya rin ang netizens na maging maingat. Nilinaw niya rin na dalawa lang ang account sa Facebook na pagmamay-ari niya. Ang Facebook account niya na John Andrew Schimmer na may halos 900,000 followers at ang The Schimmers na mayroon namang mahigit 860,000 followers.
Parang awa nyo na po, please be aware of scammers, eto lang po ang nagiisang account ko at ang the schimmers, dalawa lang po ang verified ni fb. So plsss wag na wag po kayong mag papaloko.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) at Resiklo (2007).
Matatandaang humingi ng tulong si Andrew sa mga kasamahan niya sa showbiz at maging sa netizens para sa kanyang misis na si Jorhomy “Jho” Rovero. Nakaranas ng matinding asthma attack si Jho na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia. Dahil sa nangyari ay nasa ICU ng St. Luke’s Medical Center in Bonifacio Global City, Taguig City ang asawa niya at malaki na ang kanilang bayarin.
Nagdala ng bulaklak ang anak ni Andrew na si Xander para sa kanyang mommy na si Jho. Aniya, pink at white ang pinili niyang bulaklak dahil alam niyang gusto ng mommy niya ang ganoong kulay ng bulaklak. Ito umano ang Christmas gift niya para sa kanyang mommy. Marami ang naantig sa video na ito kung saan kinakausap ni Xander ang kanyang mommy.
Source: KAMI.com.gh