Cristy Fermin, ibinahagi ang umano'y reaksyon ni Bea kay Lolit: "I wish her well"

Cristy Fermin, ibinahagi ang umano'y reaksyon ni Bea kay Lolit: "I wish her well"

- Natalakay nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika ang umano'y naging reaksyon ni Bea Alonzo kay Lolit Solis

- Sinasabing halos isang taon nang pinupuna ni Lolit si Bea lalo na nang tuluyan na itong maging isang Kapuso

- Mula kasi sa pisikal na anyo nito hanggang sa pagpapareha nito sa Kapuso artists ay nabigyang komento ni Lolit

- Aminado sina Cristy na humanga sila sa sagot ni Bea na tila walang balak na patulan ang mga komento ni Lolit sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika ang sinasabing reaksyon ni Bea Alonzo sa umano'y nadadalas na pamumuna sa kanya ni Lolit Solis.

Cristy Fermin, ibinahagi ang umano'y reaksyon ni Bea kay Lolit: "I wish her well"
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naantig ang puso ni Cristy sa naging sagot ni Bea na kanyang naibahagi sa media conference ng seryeng Start Up PH kung saan kabilang si Bea.

Read also

Cristy, sa umano'y isyu ni Lolit kay Bea; "May damdamin din ang ibang tao"

"Press con ni Bea para sa GMA 7, birthday press con yata ito sa Start Up. May nagtanong sa kanya, anong reaksyon mo sa mga pambu-bully sa'yo at mga bira ni Lolit Solis? Ang sagot niya, hindi po ako naaapektuhan. I don't read naman kasi pero nakakarating po sa akin," pagbabahagi ni Cristy.

"Meron na namang nagtanong, suson sa unang tanong. May sakit na nga siya pero binu-bully ka pa rin at binibira ka. Sabi niya, ito e totoo man o hindi, sinsero man o pabalat bunga lang. Sumuntok sa'kin. All the more, I will not answer. May sakit pala siya. I wish her well," pahayag ni Cristy, ayon sa naging pahayag ni Bea.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kaninong puso ang hindi madudurog sa sinabi ni Bea Alonzo," papuri ni Cristy sa umano'y pahayag ni Bea.

Read also

Andrew Schimmer sa pagbabalik ICU ng misis; "God please protect her, I will do anything"

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 278,000 subscribers.

Matatandaang minsan nang pinuri ni Cristy si Bea sa paghawak nito ng kanyang pera at mga ari-arian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica