Morisette Amon, naka-duet si Sheryn Regis na original singer ng "Gusto Ko Nang Bumitaw"
- Naka-duet ni Morisette Amon ang orihinal na singer at co-writer ng awiting "Gusto Ko Nang Bumitaw" na si Sheryn Regis
- Sa ginanap na 20th anniversary concert ng singer, composer at producer na si Jonathan Manalo naganap ang maituturing na pasabog na duet ng dalawa
- Matapos ngang i-release ang single na sito ni Sheryn bilang pagbabalik niya sa music scene ay isa sa naging paborito ng publiko ang naturang awit
- Lalo itong nag-viral nang kantahin din ni Morisette ang version niya ng kanta na naging OST ng seryeng Broken Marriage Vow
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagsanib pwersa sina Morisette Amon at Sheryn Regis nang awitin nila ang viral na kantang Gusto Ko Nang Bumitaw sa ginanap na 20th anniversary concert ng singer, composer at producer na si Jonathan Manalo. Umani ng masigabong palakpakan ang pangmalakasang birit ng dalawang mang-aawit na makikita sa video na binahagi ng vlogger at karelasyon ni Sheryn na si Mel de Guia.

Source: Instagram
Matapos ngang i-release ang single na sito ni Sheryn bilang pagbabalik niya sa music scene ay isa sa naging paborito ng publiko ang naturang awit. Mula sa mga sinulat ni Sheryn ang ilang bahagi ng kanta na hango sa kanyang naging karanasan.
Lalo naman itong nag-viral nang kantahin din ni Morisette ang version niya ng kanta na naging OST ng seryeng Broken Marriage Vow.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Johanne Morissette Daug Amon, o mas kilala sa kanyang stage name, na Morissette ay isang kilalang singer hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba't-ibang panig ng mundo matapos maging usap-usapan ang mahusay niyang pagkanta. Una siyang nakilala nang sumali siya sa Star Factor ng TV-5 sa edad na 14.
Matatandaang isinapubliko ni Morisette ang kanyang pagpapakasal kay Dave Lamar. Sa kanyang pagbabahagi ng balita tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib ay nakatanggap ng maraming pagbati ang mang-aawit. Nagbahagi din siya ng kanyang mensahe sa asawa kung saan inihayag niya ang pagmamahal niya dito. Naibahagi din ng Nice Print Photography ang ilan sa mga pictures na kuha sa kanilang pagpapakasal.
Sa kanyang pag-guest sa Magandang Buhay, naibahagi ni Morisette ang ilang detalye kaugnay sa pagpapapakasal nila ni Dave. Aniya, tinago niya muna ang kanilang pagpapakasal dahil gusto umano niya ng pribadong seremonya upang ma-enjoy umano nilang mag-asawa at ng kanilang mga mahal sa buhay. Sa naturang guesting ay naibahagi niyang hindi pa sila nakakapag-honeymoon.
Source: KAMI.com.gh