Ogie Diaz, tinatanaw na utang na loob na naging manager ni Liza Soberano

Ogie Diaz, tinatanaw na utang na loob na naging manager ni Liza Soberano

- Ayon kay Ogie Diaz, wala siyang sama ng loob sa mga artistang kanyang na-manage na umalis na sa kanya kagaya nina Vice Ganda at Liza Soberano

- Nag-iba man ng manager ay sinabi ni Ogie na maayos ang kanyang relasyon sa mga talent niya

- Naniniwala umano siyang kasalanan sa sarili kapag nagtanin ng tampo at sama ng loob sa isang tao

- Dagdag pa niya, tulay lang siya kung bakit sumikat ang mga naging talent niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tinuturing ni Ogie Diaz na utang na loob kay Liza Soberano ang maging manager siya ng aktres. Sa panayam sa kanya ng mag-asawang Tintin at Julius Babao, sinabi niyang kasalanan sa sarili kapag nagtanin ng tampo at sama ng loob sa isang tao.

Ogie Diaz, tinatanaw na utang na loob na naging manager ni Liza Soberano
Ogie Diaz, tinatanaw na utang na loob na naging manager ni Liza Soberano (www.facebook.com/ogie.diaz.5)
Source: Facebook

Ang kinita umano n iya noon nang maging manager siya ni Liza ay siyang dahilan kung bakit buhay ang kanyang anak.

Read also

Sunshine Cruz, nakiusap sa isang netizen na huwag i-flood ng negativity ang page niya

Hindi din niya inaako na siya ang dahilan ng pagsikat ng mga hinahawakan niyang artista. Aniya, sila ang nagpasikat sa mga sarili niya at naging tulay lamang siya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Kamakailan ay inihayag ni Ogie ang kanyang saloobin kaugnay sa "cancel culture." Aniya, isang restaurant umano ang maaring magsara dahil dito. Nabanggit niya din na hindi naman masarap ang pagkain sa naturang restaurant ayon sa kanyang kaibigan kaya posible na rin mangyaring magsara iyon kahit hindi pa nauso ang cancel culture. Napatanong din siya kung hanggang kailan kaya ang cancel culture.

Kamakailan ay naghayag din ng opinyon niya si Ogie na patungkol sa mga taong nambabatikos sa mga taong hindi nagpapigil makabili lang ng iPhone 14. Ayon sa kanya, may mga nagsasabing OA ang mga taong pumila sa isang Apple store kamakailan. Dagdag pa ng talent manager, wala namang masama kung gusto nilang mabili ang gusto nila dahil pera naman nila ang ginamit nilang pangbili. Tanong niya, alin ang mas gustong makita ng mga tao, yung nakapila sa para makabili ng iphone 14 o yung nakapila dahil umaasa sa ayuda ng gobyerno.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate