Elha Nympha, emosyonal na nagbahagi tungkol sa major health concern niya

Elha Nympha, emosyonal na nagbahagi tungkol sa major health concern niya

- Naibahagi ni Elha Nympha ang tungkol sa kanyang pinagdadaanan sa kanyang health

- Aniya, sa kasalukuyan ay sumasailalim siya sa pagpapagamot para maayos ang kanyang kalusugan

- Nilinaw niyang hindi naman ito life threatening pero aniya ay makakaapekto ito sa kanyang future bilang isang babae

- Nabanggit din ni Elha na graduate na siya sa pagiging insecure

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Elha Nympha, kabilang sa naging struggle niya ang kanyang health. Sa kanyang pag guest sa Magandang Buhay ay nasabi niyang nagpapagamot siya para maging mas maayos ang kanyang kalusugan.

Elha Nympha, emosyonal na nagbahagi tungkol sa major health concern niya
Elha Nympha, emosyonal na nagbahagi tungkol sa major health concern niya (@elhamaenymphaofficial)
Source: Instagram

Hindi naman daw ito life-threatening pero aniya ay makakaapekto ito sa kanyang future bilang isang babae.

"Common po ito sa mga babae like hormonal imbalance, ganun po. Pero may mas deep pa po na explanation sa problema ko po na hindi pa po ako ready i-share. Up until now, nagpapagamot po ako."

Read also

Andrea Brillantes, sariling sikap sa kanyang hair and makeup para sa fashion week

Nakwento din ni Regine na nahirapan si Elha sa ASAP dahil iniisip niya ang tungkol sa weight gain niya. Nilinaw naman ni Regine na dahil sa kanyang talento kaya siya kasama sa ASAP.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Elha Mae Fronda Nympha ay isang Pinay na mang-aawit na nakilala matapos niyang manalo sa The Voice Kids noong 2015. Nagsimula siyang sumali sa mga singing competition sa edad na 7. Una siyang sumubok sa unang season ng The Voice Kids ngunit hindi siya pinalad hanggang sa nanalo siya sa ikalawang pagsali niya sa naturang singing competition.

Matatandaang sunod-sunod ang mga tweet bilang sagot ni Elha Nympha sa mga bumabatikos sa kanya sa pagiging isang 'Kakampink.' Ito ay matapos na magparamdam siya na magtatanghal para sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem.' Aniya, isa rin siya sa mga performers na wala umanong tatanggaping kabayaran sa pagsuporta sa pinaniniwalaan nilang presidential aspirant. May nabanggit din siya ukol umano sa pagiging loyal niya sa ABS-CBN na naihalintulad niya sa pagiging isang magulang.

Read also

Moira Dela Torre, inulan ng mensahe matapos maibahagi ang picture niyang lumuluha

Inilabas ni Elha ang umano'y resibo niya ng boluntaryong pagtatanghal sa campaign rally ng 'Leni-Kiko' tandem. Ito ay matapos na akusahan siya ng ilang netizens na isa rin sa binayarang performer para sa mga People's rally. Ipinakita ni Elha ang palitan nila ng private message ng Robredo People's Council. Ito ay para ipakitang boluntaryo at wala siyang hinihinging kapalit sa pagpe-perform sa rally na ginanap noong Abril.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel