Rosmar Tan, natawa raw sa mga nagsasabing matakot siya sa kaso

Rosmar Tan, natawa raw sa mga nagsasabing matakot siya sa kaso

- Ayon kay Rosmar Tan, natatawa na lamang siya sa mga taong nagsasabi sa kanya na dapat siyang matakot sa kasong isinampa sa kanya

- Aniya, linyahan umano ito ng mga taong walang pangbayad sa mga abogado

- Kasunod ito ng paglabas ng balitang nagsampa ng kaso si Glenda Victorio laban sa kanya

- Ani Miss Glenda, kaugnay umano ito sa mapanirang mga post ni Rosmar laban sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natatawa umano si Rosmar Tan, ang CEO ng Rosmar products dahil sa mga taong nagsasabi umano sa kanya na dapat siyang matakot sa kasong isinampa sa kanya. Aniya, linyahan lamang ito ng mga walang pambayad sa abogado.

Rosmar Tan, natawa raw sa mga nagsasabing matakot siya sa kaso
Rosmar Tan, natawa raw sa mga nagsasabing matakot siya sa kaso (@facebook.com/rosemarie.p.tan)
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post ay pinahiwatig ni Rosmar na mayroon din siyang mga abogado.

Natatawa ako sa mga taong nagsasabi na matakot daw ako sa kaso linyahan ng mga walang pang bayaaad ng abogado. Talk to my lawyersssssssssssss1000x

Read also

Andrew Schimmer, masayang ipinakita ang pag-uwi ng kanyang misis mula sa ospital

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasunod ito ng paglabas ng balitang nagsampa ng kaso si Glenda Victorio laban sa kanya. Ani Miss Glenda, kaugnay umano ito sa mapanirang mga post ni Rosmar laban sa kanya at sa pagdamay sa kanyang pamilya.

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pang-bu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pang-bu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate