Lyca Gairanod, binahagi ang video ng ama na nakikisaya sa kanila

Lyca Gairanod, binahagi ang video ng ama na nakikisaya sa kanila

- Binahagi ni Lyca Gairanod ang video ng masayang bonding nila ng kanyang pamilya

- Makikita sa video ang kanyang ama na masayang sumasayaw kasama nila kahit nakaupo lang ito

- Ani Lyca, masaya silang nakikitang masaya ang kanilang papa ngayong bagong taon

- Matatandaang naging malubha ang kalagayan ng kanyang papa at naisugod sa ospital

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Lyca Gairanod ang video ng bonding nila ng kanyang pamilya kabilang na ang kanyang amang nakaranas ng mild stroke. Ani Lyca, nagagalak silang nakikitang masaya ang kanilang papa ngayong bagong taon.

Lyca Gairanod, binahagi ang video ng ama na nakikisaya sa kanila
Lyca Gairanod, binahagi ang video ng ama na nakikisaya sa kanila (@lycagairanod.1)
Source: Instagram

Hindi man tuluyang nakakagalaw ng normal kagaya noong hindi pa ito na-stroke, makikita ang kanyang ama na masayang nakikiindak sa sayawan nila. Nakaupo lang ito ngunit makikitang nakangiti ito at nakikisaya sa kanyang pamilya

Nagpasalamat din si Lyca sa Panginoon para sa lahat ng biyayang natanggap ng kanilang pamilya.

Read also

Ogie Diaz sa latest photo ni Kris Aquino: "Mabisa ang dasal ng mga nagmamahal sa kanya"

Masaya kaming nakikita na masaya ang papa ko ngayun taon. Maraming salamat Lord dahil sa mga blessing natanggap ko sa inyo and happy new year everyone.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1. Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

Kamakailan ay napasigaw si Lyca nang buksan niya ang inabot ni Yassi Pressman sa kanya na dilaw na sobre. Ayon kay Yassi ay pagkain daw ito na natikman niya sa abroad na ang tawag ay Rattle snake eggs. Aminado si Lyca na nagagandahan siya sa kulay ng mga ahas ngunit hindi daw talaga niya kayang hawakan ang mga ito. Hindi lingid sa publiko ang hilig ni Yassi sa pag-aalaga sa ahas at sa katunayan ay mayroon siyang alagang ahas sa kanyang bahay.

Read also

Melai Cantiveros, umabot sa mahigit 4M views ang human drone video sa TikTok

Samantala, naging emosyonal si Yassi matapos niyang mapakinggan ang pagkanta ni Lyca ng awiting "Kabilang Buhay" ng Bandang Lapis. Ito ay ginamit sa pelikula ni Yassi na "More Than Blue" kung saan nakapareha niya si JC Santos. Ani Yassi, iba pala talaga si Lyca pag kumakanta dahil mararamdaman talaga ang mensahe ng kanta. Si Lyca ang nakasama ni Yassi sa kanyang YouTube segment na #CAReokeWithYassi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate