Brenda Mage, nagdiwang ng kanyang ika-34 na taong kaarawan

Brenda Mage, nagdiwang ng kanyang ika-34 na taong kaarawan

- Pinakita ni Brenda mage ang naging paghahanda para sa kanyang pagdiriwang ng kanyang ika-34 na kaarawan

- Idinaos nila iyon sa kanyang pinagawang farm house sa tabi ng lupang nabili niya na may mga mais na pananim

- Bukod sa kanyang kaarawan, isinabay na lang din nila ang house blessing at ang pina-bless niya din ang lupaing kanyang nabili

- Aniya, wala na siyang mahihiling pa kundi ang magandang kalusugan para sa lahat ng taong nakasuporta at nagmamahal sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagdiwang si Brenda Mage ng kanyang ika-34 na kaarawan sa kanyang pinagawang farm house. Kasabay ng kanyang birthday celebration ay ang house blessing sa kakagawa lang na farm house niya.

Brenda Mage, nagbalik-tanaw sa pagiging bahagi ng Pinoy Big Brother
Brenda Mage, nagbalik-tanaw sa pagiging bahagi ng Pinoy Big Brother (facebook.com/BrendaMageOfficial)
Source: Facebook

Ani Brenda, matapos niyang mapagawaan ng bahay ang mga kapatid at nanay, wala na siyang iba pang hinihiling kundi ang magandang kalusugan para sa mga mahal niya sa buhay.

Read also

Jake Ejercito's adorable video with daughter Ellie gains praises from netizens

Dahil tapos na ang Bahay ng Magulang ko.. its time for Me my Brother and Sister’s House…. At natapos na nga ang Blessing para sa aming mga Bahay.. Thankyou Lord my wish is already Granted wala na ako hihilingin pa kundi malusog na pangangatawan sa amin lahat at sa laht ng nasa paligid at sumusuporta sakin…

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahaginan lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend.

Binahagi ni Brenda ang kanyang susunod na ipapagawa matapos ang pinagawa niyang bahay niya sa kanilang probinsiya. Aniya, dahil natapos na ang bahay niya at ng kanilang mama, ipapagawa niya na rin ang bahay ng kanyang ate. Pagkatapos umano ang bahay ng ate niya ay isusunod niyang papaayos ang bahay ng isa pang kapatid niya na lalaki. Pabiro pa nitong siningil ang aniya'y may utang sa kanya para aniya ay pangdagdag lang sa pagpapagawa niya ng bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel