Billy Crawford at dance partner, muling nagkamit ng pinakamataas na puntos

Billy Crawford at dance partner, muling nagkamit ng pinakamataas na puntos

- Umani si Billy Crawford at kanyang dance partner na si Fauve Hautot ng pinakamataas na puntos matapos ang kanilang dance performance kamakailan

- Nakatanggap sila ng 35 na puntos at sila din ang nakakuha ng pinakamataas na puntos noong premiere night kung saan 36 points naman ang natanggap nila

- Sa kanilang pinakabagong performance ay nakasama nila sa entablado si Coleen Garcia bilang surprise guest ni Billy

- Kabilang si Billy sa mga celebrities na kasali sa Danse avec les stars, isang television dance contest kung saan naipapareha ang mga celebrities sa professional dancers para magtagisan sa pagsayaw ng ballroom at Latin dance

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sina Billy Crawford at dance partner niyang si Fauve Hautot ang nakakuha ng pinakamataas ng puntos sa pinakahuling episode ng Danse avec les stars. Nakatanggap sila ng 35 na puntos at sila din ang nakakuha ng pinakamataas na puntos noong premiere night kung saan 36 points naman ang natanggap nila.

Read also

Sen. Robin Padilla, ibinahaging may nakita raw na baradong parte ng kanyang puso

Billy Crawford at dance partner, muling nagkamit ng pinakamataas na puntos
Billy Crawford at dance partner, muling nagkamit ng pinakamataas na puntos (@billycrawford)
Source: Instagram

Bilang bahagi ng kanilang performance ay nakasama nila sa entablado ang isang surprise guest na taong malapit sa kanila. Si Coleen Garcia ang naging sirprise guest ni Billy na talaga namang ikinabigla niya lalo at ayon kay Coleen ay alam ni Billy na mahiyain siya lalo pagdating sa pagsasayaw.

Si Billy Crawford o Billy Joe Ledesma Crawford ay isang Filipino-American actor at TV host na sumikat sa international music scene dahil sa kanyang awiting "Bright Lights," "Trackin'", "When You Think About Me" at "You Didn't Expect That" Bago lumipat sa TV 5, nakilala siya bilang TV host sa ABS-CBN at ilan sa mga palabas kung saan siya ay naghost ay Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Wil Dasovich, nagkaaberya sa pag-akyat sa pinakamataas na outdoor climbing wall

Kamakailan ay kinagiliwan ang binahaging family picture ni Coleen. Kasama niya sa naturang picture ang kanyang asawang si Billy Crawford at ang anak na si Amari Crawford. Kinaaliwan ng mga netizens ang cute nilang anak na marunong na rin magpakitang gilas sa camera.

Samantala, sa isa pang post ay pinakita ni Coleen ang nakakaaliw na pag-photo bomb ni Amari sa pictorial nilang mag-asawa. Hindi nila napigilang matawa sa ginawa ni Amari habang ginaganap ang photoshoot. Sa isang picture ay makikita pa na naapakan ni Amari ang kamay ng kanyang mommy.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel