Toni Fowler, bumilib kay Rosmar Tan dahil tinulungan siya sa kanyang negosyo

Toni Fowler, bumilib kay Rosmar Tan dahil tinulungan siya sa kanyang negosyo

- Ayon kay Toni Fowler, nagulat siya na kahit magkakumpitensiya sila ni Rosmar Tan sa negosyo ay tinulungan siya nito

- Hindi niya umano inasahan na tutulungan siya nito lalo at parehas ilang nagtitinda ng skin care products

- Mismong si Rosmar ang nagpahanda ng kanilang pictorial sa bahay niya para sa kanilang collaboration

- Ani Toni, hanga talaga siya kay Rosmar dahil sa lahat ng CEO ay ito lang umano ang tumulong sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Toni Fowler, naniniwala siya sa tagline ni Rosmar Tan na "Si Rosmar lang Malakas." Aniya hanga talaga siya kay Rosmar dahil sa lahat ng CEO ay ito lang umano ang tumulong sa kanya.

Toni Fowler, bumilib kay Rosmar Tan dahil tinulungan siya pagdating sa negosyo niya
Toni Fowler, bumilib kay Rosmar Tan dahil tinulungan siya pagdating sa negosyo niya (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Ikinagulat niya na kahit magkakumpitensiya sila ni Rosmar Tan sa negosyo ay tinulungan siya nito. Mismong si Rosmar ang nagpahanda ng kanilang pictorial sa bahay niya para sa kanilang collaboration.

Read also

Toni Fowler, masayang makitang magkasundo ang boyfriend at bestfriend niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel