Toni Fowler, masayang makitang magkasundo ang boyfriend at bestfriend niya

Toni Fowler, masayang makitang magkasundo ang boyfriend at bestfriend niya

- Inihayag ni Toni Fowler ang kanyang kasiyahan na makitang magkasundo ang kanyang bestfriend na si Anthony Leodones at Vince Flores

- Aniya, dati ay palaging naging problema sa kanya dahil hindi magkasundo ang kanyang karelasyon at kaibigan

- Hanggang sa dumating umano sa kanya ang tamang tao na may purong pagmamahal at malinis ang intensiyon sa kanya

- Sa unang pagkakataon ay masaya umano siyang hindi na niya kailangang mamili sa kaibigan at karelasyon dahil magkasundo sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masaya si Toni Fowler na sa unang pagkakataon ay hindi niya kailangang mamili sa karelasyon at kaibigan niya. Masaya siyang makitang magkasundo ang kanyang bestfriend na si Anthony Leodones at Vince Flores.

Toni Fowler, masayang makitang magkasundo ang boyfriend at bestfriend niya
Toni Fowler, masayang makitang magkasundo ang boyfriend at bestfriend niya (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Aniya, dati ay palaging naging problema sa kanya dahil hindi magkasundo ang kanyang karelasyon at kaibigan. Nang dumating daw sa kanya ang tamang tao na may purong pagmamahal at malinis ang intensiyon sa kanya, hindi na naging problema sa kanya na kailangan niyang mamili dahil magkasundo na ang kaibigan at boyfriend niya.

Read also

Regine Velasquez, inaming hindi na kaya ang pagbirit niya sa isang concert niya noong 2003

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel