Sharon Cuneta, hiniling na huwag masamain ang hindi pagpapasok sa kanya sa Hermes store
- Nilinaw ni Sharon Cuneta ang tungkol sa karanasan niya sa isang Hermes store sa Seoul, South Korea
- Ito ay kaugnay sa hindi pagpapasok sa kanya sa naturang store para sana bumili ng sinturon
- Ayon sa Megastar, hindi dapat masamain ang nangyari sa kanya dahil maging sa America ay mayroong limitado lang ang pinapapasok at mayroon ding kailangan ng appointment
- Aniya, COVID safety protocol nila iyon kaya walang kasalanan ang empleyado na sumusunod lamang
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hiling ni Sharon Cuneta na huwag masamain ang hindi pagpapapasok sa kanya sa isang Hermes store sa Seoul, South Korea. Aniya, COVID safety protocol nila iyon kaya walang kasalanan ang empleyado na sumusunod lamang.
Naibahagi niya rin na kahit sa America ay may mga sinusunod ang mga stores kaugnay sa pagpapapasok ng kanilang customer. Mayroon umanong limitado lamang at mayroon ding kailangan pa ng appointment. Bukod pa dito, mayroon din umanong kailangang maghintay para mapayagang pumasok sa loob ng store.
Don’t feel bad about Hermes not letting me in! Lots, if not all name-brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time - sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store. Lots also ask you to make an appointment. Covid measures nila yan so okay lang.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.
Kamakailan ay inihayag ni Sharon ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga fans na iniuugnay pa rin siya sa pagganap niya bilang Darna. Isang tagahanga niya ang gumuhit ng larawan niya na nakasuot ng costume ni Darna bilang pagpapaalala na naging Darna din ang Megastar. Ikinatuwa ni Ate Shawee na nauugnay pa rin ang pangalan niya sa iconic na Pinoy superhero. Marami sa mga netizens ang nagsabing si Mega ang kanilang paboritong Darna.
Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Sheree Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw na pumanaw ang kaibigan. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagpanaw ng kaibigan.
Source: KAMI.com.gh