James Reid, binahagi ang music video ng kanyang bagong kanta

James Reid, binahagi ang music video ng kanyang bagong kanta

- Binahagi ni James Reid ang music video ng bago niyang kantang u & i sa ilalim ng kanyang record label na Careless Music

- Kasama niya sa naturang music video ang modelong si Kelsey Merritt na namataang kasama niya kamakailan sa mga kumalat na pictures

- Kasalukuyan itong top 1 trending video sa YouTube matapos na i-post ito noong September 29, 2022

- Umani naman ng mga reaksiyon at komento ang naturang music video lalo na mula sa mga fans nila ng dati niyang kasintahang si Nadine Lustre

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Trending ang music video ni James Reid para sa bago niyang kantang u & i sa ilalim ng kanyang record label na Careless Music. Kasama niya sa naturang music video ang modelong si Kelsey Merritt na namataang kasama niya kamakailan sa mga kumalat na pictures.

Read also

Jason Hernandez, usap-usapan dahil sa kanyang cryptic post

James Reid, binahagi ang music video ng kanyang bagong kanta
James Reid, binahagi ang music video ng kanyang bagong kanta (@james)
Source: Instagram

Matapos na ipost ang naturang video sa YouTube noong September 29, 2022 ay agad itong naging top trending video. Naungusan nito ang vlog ni Alex Gonzaga kamakailan kung saan nakasama niya si Herlene Budol.

Umani naman ng mga reaksiyon at komento ang naturang music video lalo na mula sa mga fans nila ng dati niyang kasintahang si Nadine Lustre.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si James Reid ay isang Filipino - Australian actor. Una siyang nakilala bilang isa sa mga housemates ng Pinoy Big Brother: Teen Clash kung saan siya ang tinanghal na big winner noong 2010. Nakilala ang tambalan nila ng kanyang dating nobya na si Nadine Lustre bilang "JaDine." Matatandaang Enero ng taong 2020 nang aminin nina James at Nadine na hiwalay na sila. Gayunpaman, nanatili umano silang magkaibigan kaya ilang beses din silang namataang magkasama kahit hiwalay na sila.

Read also

Tom Rodriguez, nakapanayam ni Ogie Diaz; "I'm happily moving on"

Sa kanyang Instagram post, isinapubliko ni James ang tungkol sa kanyang binibentang bahay. Nagbahagi din siya ng mga pictures ng iba't-ibang bahagi ng nasabing bahay na matatagpuan sa Loyola Grand Villas, Katipunan. Hindi naman mapigilang malungkot ng mga tagasuporta ng tambalang JaDine dahil ito ang bahay kung saan nagkasama ang dalawa noong hindi pa sila naghiwalay. Hindi man kinukumpirma ni Nadine, ilang beses nang namamataan ang aktres na kasama ang kanyang napapabalitang bagong karelasyon.

Kamakailan ay namataan si James sa graduation ng kapatid niyang si Chantal Calicdan. Nagbahagi ng mga pictures nila ang kapatid niya na kuha sa araw ng kanyang pagtatapos. Marami naman sa mga netizens ang bumati at natuwa kay James dahil sa pagiging supportive nito sa kanyang kapatid.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel