Zeinab Harake, pinasalamatan si Ivana Alawi sa pag-alala nito sa kanyang "Baby Moon"

Zeinab Harake, pinasalamatan si Ivana Alawi sa pag-alala nito sa kanyang "Baby Moon"

- Nagulat si Zeinab Harake nang biglang maalala ni Ivana Alawi ang kanyang second baby na si Moon

- Si Baby Moon ang ikalawang anak ni Zeinab na sa kasamang palad ay pumanaw na

- Ito ay habang namimili sila ng twinning diamond bracelet para sa kanilang dalawa

- Matatandaang sa unang collaboration ng dalawa sa vlog ni Ivana, na-prank niya si Zeinab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong na-touch si Zeinab Harake sa pag-alala ni Ivana Alawi sa kanyang second baby na si pinangalanan niyang "Moon Harake."

Zeinab Harake, pinasalamatan si Ivana Alawi sa pag-alala nito sa kanyang "Baby Moon"
Zeinab Harake and Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bahagi ito ng 'sisters for a day challenge' nina Ivana at Zeinab.

Mula sa kanilang hairstyle at pati sa suot na damit sa araw na iyon ay talagang terno sila.

Pati rin sa pag-shopping nila ng diamond bracelet ay twinning ang dalawa. Doon, biglang naitanong din ni Ivana sa store employee kung mayroon silang disenyo na "moon."

Read also

Ivana at Zeinab, bumili ng twinning diamond bracelet sa kanilang sis for a day challenge

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Oah... Ang cute mo naman. Inisip mo 'yung baby ko... Thank You sis," ang nasabi ni Zeinab habang siya'y napayakap kay Ivana.

Wala mang nabili na mayroong moon design, happy ang dalawa sa kanilang diamond bracelet at keychain na parehas sila.

Narito ang kabuuan ng kanilang masaya at makulit na video mula sa YouTube channel ni Ivana:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15.9 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Read also

Angeline Quinto, engaged na sa kanyang partner na si Nonrev Daquina

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Bahagi ngayon si Ivana ng teleseryeng 'A family Affair' kung saan kasama niya ang mga aktor na sina Gerald Anderson, Sam Milby at Jake Ejercito.

Samantala, matatandaang sa unang collaboration nina Ivana at Zeinab Harake, isang prank ang naisip ni Ivana. Doon, nagkunwari siyang nag-maldita at nagpaka-primadonna sa harap ni Zeinab. Kaya naman nang sabihin ni Ivana na isa lamang itong prank, tila nahimasmsan si Zeinab na hindi rin naman makapaniwalang iyon ang ugali ni Ivana. Ngayon, super close lalo ang dalawa at nagbibiruang magkapatid pa nga sila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel