Francine Diaz, walang palya sa kanyang mga sagot sa lie detector test

Francine Diaz, walang palya sa kanyang mga sagot sa lie detector test

- Sumalang si Francine Diaz sa lie detector test pagkatapos ng kinaaliwang lie detector test kay Seth Fedelin

- Kalmado lang si Francine at lahat ng kanyang mga naging sagot sa katanungan ay pawang truth ayon na rin sa nagsagawa ng lie detector test

- Kabilang sa naitanong sa kanya ni Seth ay kung nagkagusto ba daw si Francine sa kanya na sinagot naman ni Francine nang "hindi"

- Hindi din agad sumuko si Seth at may pa follow-up kung may chance daw ba na magustuhan siya ni Francine at "oo" ang naging sagot ng dalaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pagsalang ni Francine Diaz sa lie detector test, hindi ito pumalya sa kanyang mga sagot na ayon sa nagsagawa ng lie detector test ay pawang truth. Kabilang sa naitanong sa kanya ni Seth ay kung nagkagusto ba daw si Francine sa kanya na sinagot naman ni Francine nang "hindi."

Read also

Ivana at Zeinab, bumili ng twinning diamond bracelet sa kanilang sis for a day challenge

Francine Diaz, walang palya sa kanyang mga sagot sa lie detector test
Francine Diaz, walang palya sa kanyang mga sagot sa lie detector test (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Sunod naman na tanong ni Seth ay kung may chance daw ba na magustuhan siya ni Francine at "oo" ang naging sagot ng dalaga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel