Neri Miranda, hinangaan sa kanyang binahaging bagong investment

Neri Miranda, hinangaan sa kanyang binahaging bagong investment

- Kinabiliban si Neri Miranda sa binahagi nitong bagong investment na aniya ay mula sa kanilang kita ng kanyang asawang si Chito Miranda

- Isa itong lupain na aniya ay patatayuan pa nila ng resthouse ngunit aniya ay mukhang matagal pang mangyari iyon dahil pag-iipunan pa umano nila ito

- Ang naturang lote ay kanyang nabili sa Cebu kasama umano ang kanyang business partner na aniya ay wais na misis din kagaya niya

- Marami sa mga netizens ang naghayag ng kanilang paghanga sa husay ni Neri pagdating sa paghawak nat pagpapalago niya ng pera nilang mag-asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hinangaan ng marami si Neri Miranda matapos nitong ibahagi ang kanyang pinakabagong investment. Isa itong lupain na aniya ay patatayuan pa nila ng resthouse ngunit aniya ay mukhang matagal pang mangyari iyon dahil pag-iipunan pa umano nila ito.

Read also

Vice Ganda, inamin na gusto niyang magkaroon ng sariling anak

Neri Miranda, hinangaan sa kanyang binahaging bagong investment
Neri Miranda, hinangaan sa kanyang binahaging bagong investment (@mrsnerimiranda)
Source: Instagram

Binahagi ni Neri na kasama niya ang kanyang business partner sa binili niyang property. Aniya, kagaya niya ay isang wais na misis din ang kanyang business partner. Nagugulat din umano ang asawa nito sa mga itinatayo nilang negosyo ngunit suportado pa rin sila ng mga ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Neri naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2914 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Hindi man aktibo sa showbiz, naging matagumpay si Neri pagdating sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa kanya ngunit mayroon ding mga negatibo ang pagtanggap sa pagbabahagi ni Neri tungkol sa kanyang mga negosyo. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Neri ang kanyang pasasalamat sa kanyang mister na si Chito. Kaugnay ito sa kanyang natanggap na regalo mula sa kanyang mister na massage chair. Isang netizen naman ang tila hindi nagustuhan ang pag-post na ito ni Neri at sinabihan niya itong mayabang. Imbes na magalit, sinabi ni Neri na malalampasan din ng naturang netizen kung ano man ang pinagdadaanan niya.

Hindi naman pinalampas ni Chito ang isang netizen na nagsabing mayabang sila ng kanyang asawang si Neri. Sinabihan ni Chito ang netizen na mag-unfollow na lang kung naiinis siya sa post ni Neri dahil mayroon namang mga netizens na na-iinspire sa post ng kanyang asawa. Dagdag pa ni Chito, social media account naman ni Neri iyon kaya may kalayanan naman siyang i-post ang mga bagay na gusto niyang isapubliko.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel