Chito Miranda, nagpasalamat sa vlogger na bumili ng polo ni Francis M sa halagang P620k
- Nagpasalamat si Chito Miranda sa lahat ng mga tumulong para sa gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee
- Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan niya ang lahat ng naki-bid sa mga mahahalaga at makasaysayang gamit nila para sa ipangtustos sa pagpapagamot ni Gab
- Nabili ang naturang white polo ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona sa halagang P620k
- Pinasalamatan niya rin ang asawa ni Francis na si Pia Magalona sa pag-donate nito ng polo ng yumaong asawa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinasalamatan ni Chito Miranda ang lahat ng mga tumulong para makalikom para pangdagdag sa pagpapagamot sa gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee. Kabilang sa kanyang pinasalamtan ay ang nakabili sa polo ni Master Rapper Francis Magalona.

Source: Instagram
Sa kanyang post ay pinasalamatan niya ang YouTuber na si Boss Toyo na hindi lamang ang polo ni Francis M ang nabili kundi pati ang polo ni Gloc9 at polo din ni Chito.
“Maraming salamat sa lahat ng nag-bid para sa polo na ginamit ni Sir Francis Magalona sa music video ng Bagsakan, lalo kay Boss Toyo na nanalo sa bidding, na sya ring nakabili ng polo ni Gloc9 for P80k, at sa polo ko for P150k (at yung ‘Halina sa Parokya’ puppets na nabili nya for 85k),”
Pinasalamatan niya rin ang asawa ni Francis na si Pia Magalona sa pag-donate nito ng polo ng yumaong asawa. Maging ang anak nitong si Saab ay pinasalamatan din ni Chito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Siyempre, special mention din ang asawa ni Francis M na si Pia Magalona dahil sa pagiging generous nito, “Sobrang salamat din kay Ma’am Pia Magalona sa pag-donate ng polo ni Sir Kiko para kay Gab (alam ko po na sobra yung sentimental value ng polo sa inyo pero pinili nyo pa ring i-donate para makatulong sa kabanda namin).
Si Saab umano ang naging tulay para makausap nila ang maybahay ng yumaong rapper para mahanap nito ang polo na ginamit ni Francis M. Nagbigay din daw ng P300K si Saab mula sa shirt company nila na @linyalinya..
Si Neri naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2914 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.
Hindi man aktibo sa showbiz, naging matagumpay si Neri pagdating sa pagnenegosyo. Marami ang humanga sa kanya ngunit mayroon ding mga negatibo ang pagtanggap sa pagbabahagi ni Neri tungkol sa kanyang mga negosyo. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Neri ang kanyang pasasalamat sa kanyang mister na si Chito. Kaugnay ito sa kanyang natanggap na regalo mula sa kanyang mister na massage chair. Isang netizen naman ang tila hindi nagustuhan ang pag-post na ito ni Neri at sinabihan niya itong mayabang. Imbes na magalit, sinabi ni Neri na malalampasan din ng naturang netizen kung ano man ang pinagdadaanan niya.

Read also
Zeinab, emosyonal sa birthday greeting para kay Rana: "Hindi ko siguro kinaya lahat kung wala ka"
Hindi naman pinalampas ni Chito ang isang netizen na nagsabing mayabang sila ng kanyang asawang si Neri. Sinabihan ni Chito ang netizen na mag-unfollow na lang kung naiinis siya sa post ni Neri dahil mayroon namang mga netizens na na-iinspire sa post ng kanyang asawa. Dagdag pa ni Chito, social media account naman ni Neri iyon kaya may kalayanan naman siyang i-post ang mga bagay na gusto niyang isapubliko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh