Cedric Lee sa pagkakakulong ni Vhong Navarro: “He can't hide anymore"
- Ayon kay Cedric Lee, kailangang harapin ni Vhong Navarro ang mga kasong isinampa sa kanya
- Aniya, matapos ang siyam na taon ay makakaharap niya na sa korte si Vhong kaugnay sa isinampa nilang kaso
- Nagbanggit din ito ng mga taong aniya ay hindi na mapagkukublihan ni Vhong para siya ay maproteksiyonan
- Sa tweet ng ABS-CBN reporter na si Nico Baua, sinabi niyang binigyan siya ni Deniece Cornejo ng authorization para siya ang tumanggap ng warrant of arrest dahil nasa out of town umano ito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sinabi ni Cedric Lee na "slightly vindicated" umano ang kanyang naramdaman sa pagkakakulong ni Vhong Navarro. Sa tweet ng ABS-CBN reporter na si Nico Baua, sinabi niyang kailangang harapin ni Vhong ang kasong sinampa sa kanya.
Sinabi niyang binigyan siya ni Deniece Cornejo ng authorization para siya ang tumanggap ng warrant of arrest dahil nasa out of town umano ito. Matatandaang isa si Cedric sa nakulong dahil sa sinampang kaso ni Vhong na grave coercion.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.
Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, binahagi ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.
Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro nitong araw kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong ang na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh