Ion Perez, binigyan ng sapatos si Vice Ganda sa araw ng kanilang monthsary

Ion Perez, binigyan ng sapatos si Vice Ganda sa araw ng kanilang monthsary

- Bumili si Ion Perez ng sapatos na kanyang inorder pa dahil hindi umano madaling mahanap

- Ito ang kanyang sorpresa kay Vice Ganda sa araw ng kanilang monthsary noong August 25

- Sinabay niya ding binigay ang kanyang pinamiling pasalubong kay Vice mula sa bakasyon niya sa Japan kamakailan

- Masayang-masaya si Vice na matanggap ang regalo ni Ion at ayon kay Ion sapat na sa kanyang mapangiti si Vice

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinorpresa ni Ion Perez si Vice Ganda sa kanilang monthsary. Binili ni Ion ang isang sapatos na mamahalin na aniya ay alam niyang magugustuhan ni Meme.

Ion Perez, binigyan ng sapatos si Vice Ganda sa araw ng kanilang monthsary
Ion Perez, binigyan ng sapatos si Vice Ganda sa araw ng kanilang monthsary (@pereziion27)
Source: Instagram

Tila hindi pa makapaniwala si Vice nang matanggap ang sapatos dahil aniya ay mahal daw iyon. Ani Vice, wala siyang nahandang regalo para kay Ion. Sagot naman ni Ion ay sapat na sa kanya na mapangiti si Vice at iyon na ang gift para sa kanya.

Read also

Derek Ramsay, tinapos na ang kontrata niya sa Kapuso Network

Sinabay niya ring binigay ang mga pinamiling pasalubong kay Vice mula sa bakasyon niya sa Japan kamakailan. Halos karamihan ng laman ng maleta ni Ion mula sa Japan ay para kay Vice kaya naman abot-abot ang pasasalamat ni Vice.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Benigno Dungo Perez o mas kilala sa kanyang screen name na Ion Perez ay isang aktor, model, at TV host. Una siyang sumikat sa bansag na Kuya Escort sa Miss Q and A segment ng It's Showtime. Sa kasakuluyan ay isa siya sa mga regular host ng It's Showtime.

Binahagi ni Ion ang kanyang pamamahagi ng biyaya sa kanyang mga kalugar sa Tarlac. Sa kanyang binahaging video ay umuwi siya sa kanilang lugar at namahagi ng bigas sa 50 na tao mula sa kanilang lugar. Nagpakain din siya ng lugaw at sandwich sa ilan sa mga tao sa kanilang lugar bilang bahagi ng kanyang feeding program. Marami ang humanga sa kanya dahil sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi nito nakakalimutang magbahagi ng biyaya.

Pinakita din ni Ion ang kanilang naging biyahe papuntang Amerika kamakailan. Ito ay para sa series of concert ni Vice Ganda sa Amerika na pinamagatang "Fully Vicenated." Makikita sa video ang kanilang naging paghahanda bago ang kanilang flights hanggang sa makarating sila sa Los Angeles. Matatandaang sa mga naunang mga concert ni Vice Ganda ay nakasama niya na rin si Ion.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel