Amira Alawi, emosyonal na ikinuwento ang suporta ni Ivana noong siya'y nagbuntis

Amira Alawi, emosyonal na ikinuwento ang suporta ni Ivana noong siya'y nagbuntis

- Emosyonal na ikinuwento ni Amira Alawi ang suportang ibinigay sa kanya ng kanyang pamilya lalo na ni Ivana noong siya'y nagbuntis

- Aminado kasi si Amira na hindi pa umano siya handang maging ina noong panahong iyon

- Habang si Ivana naman ay bukas ang puso at isip na akuin ang pag-aalaga sa kanyang pamangkin

- Subalit nang isilang na ni Amira ang kanyang Baby boy, siya na mismo ang nag-aruga at nawala ang mga alinlangan niya sa pagiging isang ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi inaasahang maibabahagi ni Amira Alawi ang tungkol sa suportang ibingay ng kanyang pamilya noong siya ay nagdalang-tao.

Amira Alawi, emosyonal na ikinuwento ang suporta ni Ivana noong siya'y nagbuntis
Amira, Mama, Ivana and Mona (@itsamiraalawi)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa bagong vlog ni Ivana, kasama niya ang mga kapatid na sina Mona, Hash at Amira para sa isang boodle fight plus Q&A.

At isa nga sa mga naitanong sa kanila ay kung sino ang unang nakaalam ng pagbubuntis ni Amira.

Read also

Mystica, naiyak matapos maging biktima umano ng domestic violence

Doon din naikwento ni Amira ang pagkakaroon ng motherly instincts ni Ivana na kitang-kita naman umano sa pag-aalaga nito sa kanila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya naman kahit na may pag-aalinlangan noon si Amira na aminadong hindi pa handang maging isang ina, kumpiyansa naman siyang hindi siya kailanman iiwan ng kanyang pamilya.

"Yung mga pinamili ko, lahat pinadala namin 'dun sa kwarto niya ta's siya na nag-aalaga...Pinapahiram niya sa amin pero naging nanay talaga siya," kwento naman ni Ivana.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Read also

Vice Ganda, lubusan na umanong napatawad ang taong pumaslang sa kanyang ama

Bukod sa ginagawang pelikula kasama si Vice Ganda, bahagi ngayon si Ivana ng teleseryeng 'A family Affair' kung saan kasama niya ang mga aktor na sina Gerald Anderson, Sam Milby at Jake Ejercito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Hot: