Vice Ganda, lubusan na umanong napatawad ang taong pumaslang sa kanyang ama

Vice Ganda, lubusan na umanong napatawad ang taong pumaslang sa kanyang ama

- Ayon kay Vice Ganda, hindi naging madali sa kanya at sa pamilya niya ang nangyaring pamamaslang sa ama niya mismo sa harapan nila

- Aniya, kung may maibabalik siyang bahagi ng buhay niya iyon ay noong bago pa nawala ang kanyang ama

- Sa kabila ng mga nangyari, masasabi niyang napatawad niya na umano ng lubusan ang taong pumaslang sa ama niya

- Naibahagi ni Vice ang tungkol sa kwentong ito sa vlog ni Maricel Soriano kung saan siya ang naging guest ng Diamond star

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabi ni Vice Ganda na lubusan niya nang napatawad ang taong pumaslang sa kanyang ama. Sa vlog ni Maricel Soriano, naibahagi ni Vice kung gaano kahirap ang pinagdaanan ng kanilang pamilya dahil sa pangyayari.

Vice Ganda, lubusan na umanong napatawad ang taong pumaslang sa kanyang ama
Vice Ganda, lubusan na umanong napatawad ang taong pumaslang sa kanyang ama (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Aniya, nakita niya noong mga panahong iyon kung gaano pumayat ang kanyang nanay. Marahil ay nagkaroon umano ito ng matinding depresyon.

Ang pagkamatay ng kanyang ama ang nakikita ni Vice na naging ugat ng ilan pang matinding karanasan para sa kanilang pamilya. Kinailangang mangibang bansa ng kanyang nanay para maitaguyod silang magkakapatid kaya lumaki umano siyang wala ang kanyang ina sa kanyang tabi.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niyaumano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel