Angelica Panganiban, hiniling kay Gregg Homan na i-foot massage siya sa susunod na pagbubuntis

Angelica Panganiban, hiniling kay Gregg Homan na i-foot massage siya sa susunod na pagbubuntis

- Humiling si Angelica Panganiban sa kanyang boyfriend na si Gregg Homan na i-foot massage umano siya nito sa unang araw mismo ng kanyang susunod na pagbubuntis

- Ani Gregg, matagal pa naman iyon pero aniya ay okay naman sa kanya na gawin iyon para kay Angge

- Mapapanood ito sa The Homans – ang YouTube channel nila ni Gregg kung saan gumawa siya ng Banana Bread Ice Cream

- Nakatakdang manganak si Angelica sa unang baby nila ni Gregg na isang baby girl

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hiling ni Angelica sa kanyang partner na si Gregg Homan na i-foot massage umano siya nito sa unang araw mismo ng kanyang susunod na pagbubuntis. Mapapanood ito sa The Homans – ang YouTube channel nila ni Gregg kung saan gumawa siya ng Banana Bread Ice Cream.

Read also

Anne Curtis, nataranta habang nagluluto sa tulong ng instruction ni Erwan Heussaff

Angelica Panganiban, hiniling kay Gregg Homan na i-foot massage siya sa susunod na pagbubuntis
Angelica Panganiban, hiniling kay Gregg Homan na i-foot massage siya sa susunod na pagbubuntis (@iamangelicap)
Source: Instagram

Makikita sa naturang vlog ang paglalambing ni Angelica kay Greg nai-foot massage umano siya nito. Agad namang sumagot si Gregg na “Later, of course."

Dito na humirit si Angelica ng kanyang kahilingan sa susunod na beses na magbubuntis siya.

“Hon, sa susunod na pregnancy ko, day one pa lang na malaman natin na buntis ako ima-massage mo na yung paa ko ha. Sige na.”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kahit natatawa ay sumagot naman si Gregg na gagawin niya iyon para kay Angelica kahit matagal pa iyon mangyayari.

“Matagal pa naman iyon e. Pero sige sasabihin ko na, ‘Okay!'”

Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala sa siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang murang edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.

Read also

Derek Ramsay, tinapos na ang kontrata niya sa Kapuso Network

Matapos ang paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz at naudlot na balikan nila ni Carlo Aquino, masayang ibinabahagi ni Angelica sa social media ang kanyang bagong pag-ibig sa katauhan ni Gregg Homan. Kamakailan nga ay usap-usapan ang kanyang makahulugang post patungkol sa kanilang dalawa.

Kamakailan ay naibahagi ni Angelica ang kanyang mga na-block na numbers dahil sa spam messages at fake job offers na natanggap. Napatanong siya tungkol dito kung madami pa rin ba ang mga spam texts kung bago ang gagamitin mong sim card. Dahil sa kanyang tweet ay marami ang nagbahagi ng kanilang karanasan kaugnay sa pagkakatanggap ng spam messages. Mayroong nagsasabing kahit bago ang sim card ay nakakatanggap pa rin ng maraming text messages mula sa mga di kilalang number.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel