Vice Ganda, natulala sa pinamalas na husay ni Maricel Soriano sa pag-arte

Vice Ganda, natulala sa pinamalas na husay ni Maricel Soriano sa pag-arte

- Nakasama ni Vice Ganda ang kanyang inay na si Maricel Soriano sa pinakabago niyang vlog episode

- Sa isang bahagi ng naturang vlog ay game na ginawa ni Maricel ang ilan sa mga eksena mula sa mga iconic na mga pelikula

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Hindi naman maitago ni Vice ang kanyang pagkamangha matapos gawin ng kanyang inay ang eksena sa pelikulang Himala na pinagbidahan ni Nora Aunor

- Maging ang eksena ni Vilma Santos sa pelikulang Anak ay nagawa din niya kahit walang rehearsal

Bilib na bilib si Vice Ganda sa husay ni Maricel Soriano pagdating sa acting. Ito ay matapos niyang makasama si Maricel sa kanyang vlog kung saan ginawa ni Maricel ang ilan sa mga eksena mula sa mga iconic na mga pelikula kagaya ng Himala na pinagbidahan ni Nora Aunor at Anak kung saan tumatak din ang pagganap ni Vilma Santos.

Vice Ganda, natulala sa pinamalas na husay ni Maricel Soriano sa pag-arte
Vice Ganda, natulala sa pinamalas na husay ni Maricel Soriano sa pag-arte (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Agad na napapalakpak si Vice tuwing matatapos banggitin ni Maricel ang mga dialogue sa mga pelikulang kanilang napili.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Maging ang mga netizens ay bumilib din sa husay ni Maricel:

Galing ni Miss Maricel Soriano. Deserved nya kung anong title ang meron sya. Nadala ko sa “Walang Himala” Ang galing ! Galing-Galing !
Naiyak naman ako duon sa himala version ni the one and only Maricel Soriano!!! My God ang galing lang!
Walang duda talaga na si Ms. Maricel Soriano ang pinakamagaling na aktres ng kanyang panahon!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niyaumano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel