Mystica, umalma sa mga nangbatikos sa kanya dahil sa social experiment niya
- Emosyonal si Mystica nang sagutin niya ang ilang pambabatikos sa kanya kaugnay sa kanyang ginawang social experiment
- Sa isang video niya ay napagpasyahan niyang pumunta sa isang bilihan ng Filipino food sa America kung saan siya kasalukuyang naninirahan
- Isang Pinay na tindera ang nagbayad para sa hininging pakain ni Mystica matapos niyang sabihing wala siyang pera at wala pa siyang trabaho
- Ani Mystica, nais lamang niyang malaman kung mayroong taong may mabuting pusi na magbibigay sa kanya ng pagkain
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hindi napigilang maiyak ni Mystica matapos siyang makatanggap ng mga pambabatikos mula sa ilang netizens kaugnay sa kanyang social experiment. Sinubukan niyang manghingi ng pagkain para umano malaman kung mayroong taong handang magbigay sa kanya.

Source: Facebook
Sa isang video ay inalmahan niya ang komento na gusto lamang umano niyang makalibre kaya niya ginawa iyon. Nilabas niya ang perang aniya ay dala niya noong araw na iyon. Mayroon siyang 5,100 dollars na hawak umano noong araw na iyon kaya hindi totoong gusto lamang niyang makalibre ng pagkain.
Si Mystica o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay ay isang aktres na nakabilang sa mga palabas kagaya ng Ang Probinsyano (2015), D' Uragons (2002) and Pipo (2009). Tinagurian din siyang 'split queen' nang sumikat siya bilang isang mang-aawit.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatandaang hindi pinalampas ni Mystica ang TikToker na si Jam Magno kaugnay sa mga pahayag nito laban kay Rabiya Mateo. Hindi nagustuhan ni Mystica ang mga pahayag ni Jam laban sa pambato ng Pilipinas dahil lang umano sa paninindigan nito bilang isang babae. Ang tinutukoy niya ay ang naging pahayag ni Rabiya kaugnay sa pagiging "capable" din ng mga babae na maging leaders kagaya ng mga kalalakihan. Matatandaang sinupalpal ni Jam si Rabiya kaugnay nito kung saan sinabihan siya nitong dapat ay naging maingat ang beauty queen sa kanyang opinyon.
Sa kanyang YouTube channel, hindi napigilang magalit ni Mystica sa isang security personnel ng isang mall. Ito ay matapos kumanta ni Mystica at sinita siya ng personnel at sinabihan siyang pasara na ang store. Hindi nagustuhan ni Mystica ang pagpapahiya umano sa kanya ng personnel gayong ni-request lang naman umano ng ilang staff na kumanta siya. Aniya, sa ilang beses na ginawa niya ito sa naturang mall ay ngayon lang siya nakarans ng ganun.
Source: KAMI.com.gh