Agot Isidro, hindi pinalampas ang “funeraria look” comment sa picture niya

Agot Isidro, hindi pinalampas ang “funeraria look” comment sa picture niya

- Binuweltahan ni Agot Isidro ang isang basher na nagkomento sa kanyang binahaging picture sa Twitter

- Sa isang tweet ay nagabahagi siya ng kanyang black and white picture kalakip ng caption na "So sino ang tataasan natin ng kilay today?"

- Isang Twitter user ang nagsabing kaya umano ginawang black and white ang picture ay para hindi halatang "funeraria look"

- Sinagot naman ito ni Agot sa pamamagitan ng pagbabahagi ng parehas na picture ngunit hindi na black and white kalakip ang kanyang buwelta sa basher

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bumwelta si Agot Isidro sa isang basher na nagkomento sa binahagi niyang black and white picture. Sinabi nito na kaya umano ginawang black and white ang picture ay para hindi halatang "funeraria look."

Agot Isidro, hindi pinalampas ang “funeraria look” comment sa picture niya
Agot Isidro, hindi pinalampas ang “funeraria look” comment sa picture niya (@agotisidro)
Source: Instagram
Kaya ginawang black and white para hindi masyadong halatang funeraria look.

Read also

Ion Perez, titigil na lang sa pagmo-motocross para sa katahimikan ng loob ni Vice Ganda

Hindi napigilan ng aktres na mapamura at binahagi nito ang kaparehas na picture ngunit hindi na black and white.

Yan, Ikaw ang nabiyayaan ko ng taas kilay. In full color.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

May binanggit din ito na umano ay ideya ng naturang basher ng pagiging gwapo ngunit hindi rin buong binaybay ni Agot kung sino ang tinututkoy niya sa kanyang tweet.

Kasi ang idea nyo ng gwapo ay si S***** *****s

Si Maria Margarita Amada Fteha Isidro o mas kilala sa kanyang screen name na si Agot Isidro ay isang Filipino actress. Nagtapos siya sa University of the Philippines Diliman sa kursong Bachelor's Degree in Interior Design.

Matandaang isa lamang si Agot sa mga sikat na personalidad na nagsalita kaugnay sa kontrobersiyal na pahayag ni Ella Cruz tungkol sa aniya'y "History is like chismis." Sa isang Twitter post, sinabi ni Agot na isang sweet girl si Ella. Aniya, gusto niya si Ella at nagpayo siya na sa susunod ay pwede na lang siyang sumagot ng "no comment." Kasunod ito ng pagkakabatikos kay Ella kaugnay sa kanyang pahayag.

Read also

Fish vendor na isang kamay lang ang naigagalaw, umantig sa puso ng marami

Samantala, isang tweet din ni Agot ang pinag-usapan kamakailan. kaugnay ito sa aniya'y fictitious movie na hindi na niya pinangalanan. Aniya, huwag nang pansinin ang naturang pelikula dahil ang simpleng pagbanggit lang umano nito ay maituturing na bilang "free publicity." Dagdag pa niya, 'deadma' is the key.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel