Barbie Imperial, pinabulaanan ang chismis tungkol sa kanila ni Daniel Padilla

Barbie Imperial, pinabulaanan ang chismis tungkol sa kanila ni Daniel Padilla

- Nilinaw ni Barbie Imperial ang tungkol sa isyung pumunta siya sa bahay ni Karla Estrada noong nag-break sila ni Diego Loyzaga

- Ani Barbie, madalas naman talaga siyang pumupunta kay Karla dahil isa ito sa malapit na kaibigan niya sa showbiz at maging ang anak nitong si Maggie

- Aniya, nirerespeto niya ang relasyon ni Daniel at Kathryn at sa katunayan ay wala naman umano noon si Daniel nang pumunta siya

- Wala umano ang nanay niya sa kanila noong panahong iyon kaya kay Karla siya pumunta para makapagbigay ng payo sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Barbie Imperial, nirerespeto niya kung ano ang meron si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa kanyang bagong vlog kung saan nag-react siya sa mga kontrobersiyang pinukol sa kanya, nilinaw niyang malapit sa kanya si Karla Estrada at kaya siya pumunta doon ay para sa advise na kailangan niya.

Read also

Buboy Villar, binahagi ang picture nila ni Marian Rivera

Barbie Imperial, nilinaw ang isyu tungkol sa umano'y pagpunta niya sa bahay ni Karla Estrada
Barbie Imperial, nilinaw ang isyu tungkol sa umano'y pagpunta niya sa bahay ni Karla Estrada (@msbarbieimperial)
Source: Instagram

Nilinaw niyang wala doon si Daniel noong panahong pumunta siya. Nandodoon din umano ang Beks Battalion noong panahong iyon.

Pinabulaanan niya rin ang tsismis na niyakap siya ni DJ noong umiiyak siya tungkol sa breakup nila ni Diego.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang "The Doll along the Riles of Albay." Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao. Matatandaang naging viral ang pag-amin ni Barbie tungkol sa relasyon nila ni Diego Loyzaga noong 2021 na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Samantala, ayon kay Barbie, bati na sila ng kontrobersiyal na social media personality na si Xian Gaza. Ito ay dahil sa umano'y panonood ni Xian sa kanyang kauna-unahang vlog episode na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Kabilang si Xian sa mga lalaking tinanong kay Barbie kung "jojowain o totropahin" niya at sinabi niyang totropahin lang si Xian dahil lagi niya itong inaaway. Matatandaang nag-viral ang reaction video ni Xian sa naturang vlog ni Barbie kung saan hindi nito maitago ang kanyang kilig.

Kamakailan ay sinorpresa ni Barbie ang ilang food delivery riders sa pamamagitan ng pagkaing siya mismo ang nag-order. Sa kanyang bagong vlog, pinakita niya ang mga naging reaksiyon ng drivers nang malaman nilang para pala sa kanila ang mga pagkaing dapat ay i-dedeliver nila. Ayon kay Barbie, dahil marami siyang natatanggap na biyaya ay naisipan nila ng kanyang team na magbahagi din ng biyaya. Isa sa mga riders na kanyang nabigyan ay bahagyang naging emosyonal dahil hindi pa daw siya nakaranas na mabigyan kagaya sa ginawa ni Barbie.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel