RR Enriquez sa hiwalayan nina Pambansang Kolokoy at Marites; "Let's not judge"

RR Enriquez sa hiwalayan nina Pambansang Kolokoy at Marites; "Let's not judge"

- Nagbigay komento si RR Enriquez sa hiwalayan ng kilalang YouTube content creator na sina Pambansang Kolokoy at misis nitong si Marites

- Aniya, hindi dapat na i-judge si Pambansang Kolokoy maging ang asawa nito sa hiwalayan na maaring matagal na nilang napag-usapan

- Naniniwala umano siyang may 'fair share' umano ang dalawa sa desisyon nila

- Samantala, matatandaang matapos ang pagkumpirma ng kanilang hiwalayan ay nagkasama pa muli sa isang vlog ang dalawa at nagkakabiruan pa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si RR Enriquez at napakomento sa kontrobersyal na hiwalayan nina Pambansang Kolokoy, Joel Mondina at dating misis nitong si Marites Mondina.

RR Enriquez sa hiwalayan nina Pambansang Kolokoy at Marites; "Let's not judge"
Pambansang Kolokoy, Joel Mondina kasama ang dating misis na si Marites (Pambansang Kolokoy)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na marami kasi ang nagulat na makalipas ang dalawang dekada, naisipan pa rin na maghiwalay ng dalawa.

Ito ay sa kabila rin ng milyon-milyon nilang subscribers na labis na hinahangaan ang kanilang pamilya.

Read also

RR, sa viral BFFs na sina Ales at Shaira; "Medyo nakadikit na nga, skin to skin"

Ayon kay RR, hindi naman din tama na basta husgahan sina Joel at Marites lalo na ang lalake na nagsabing mayroon na itong bagong nobya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, nasabi ni RR na tanging ang dating mag-asawa lamang ang nakakaalam ng totoong nangyari at dahilan ng kanilang desisyon. Kaya naman hindi rin magandang mahusgahan ang mga ito.

"I do not want to judge Kolokoy dahil meron na siyang girlfriend na bago and I do not want to judge Marites kasi nga naghiwalay sila. Kasi I want to believe na meron silang fair share sa relasyon nila bakita sila nagkahiwalay. You cannot blame the husband, you cannot blame the wife. I'm sure, silang dalawa 'yan," ani RR.

"Hindi natin alam mamaya matagal na pala silang hiwalay at nakapag-move on na talaga sila," dagdad pa nito.

Read also

Janella Salvador, nilinaw na gusto niya ng tinapa: "Hindi ko lang inexpect"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni RR mula sa YouTube channel niyang RR ENRIQUEZ Sawsawera Queen:

Si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay isang content creator sa YouTube na mayroon nang 2.14 million subscribers. Naakilala siya sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos na kahit nasa ibang bansa, proud pa rin ito sa kanyang mga gawaing Pinoy na Pinoy.

Kamakailan, gumulantang sa publiko ang hiwalayan nilang mag-asawa makalipas ang 20 taon na pagsasama. Subalit ilang araw lamang matapos ang rebelasyon, nakasama niya muli ito sa isang video na tila nagkukulitan pa rin ang dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel