Vice Ganda, binayaran ang tuition fee ng anak ng isang restaurant staff

Vice Ganda, binayaran ang tuition fee ng anak ng isang restaurant staff

- Binayaran ni Vice Ganda ang tuition fee ng anak ng isang dining supervisor sa restaurant na kinainan nila ng kanyang mga kaibigan

- Ang naturang supervisor ay unang nakausap ni Vice mataos nitong tumawag para makapagpareserve sana para sa kanila

- Tinanggihan sila dahil nakauwi na ang ibang crew ngunit kinalaunan ay nakatanggap ng tawag si Vice kung saan napag-alaman niyang pwede na silang tumuloy sa resto

- Ani Vice, naniniwala siyang hindi nagkataon lang na magkakilala sila ng supervisor at aniya ay nais niyang maging tulay upang maibsan ang problema ng naturang resto staff na isa na ring ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Vice Ganda, naniniwala siyang hindi lang nagkataon na makilala niya ang supervisor sa isang restaurant. Aniya nais niyang maging tulay upang maibsan ang problema ng naturang resto staff na isa na ring ina.

Vice Ganda, binayaran ang tuition fee ng anak ng isang restaurant staff
Vice Ganda, binayaran ang tuition fee ng anak ng isang restaurant staff (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Tuwang-tuwa naman ang kanyang natulungan. Maging ang anak ng naturang resto staff ay nagpasalamat din kay Vice Ganda sa tulong na pinaabot nito para sa kanyang pag-aaral.

Sa isang bahagi ng bagong video ni Vice Ganda ay makikitang naghahanap sila ng makakainan. Minabuti ni Vice na tawagan ang isang resto. Matapos nga sila pumunta sa restaurant kung saan siya nagpareserve para sa hapunan nila ay personal na nakausap ni Vice ang babaeng supervisor.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilalla siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel