Roxanne Barcelo, nagbahagi ng tour sa kanilang apartment sa Taiwan
- Binahagi ni Roxanne Barcelo ang isang virtual tour sa kanilang aprtment sa Taiwan kung saan sila naninirahan kasama ang kanyang mag-aama
- Kumpara sa unang house tour niya ay mas naayos na nila ang kanilang apartment at marami na rin ang nadagdag
- Isa-isa niyang binahagi ang mga silid sa kanilang apartment at ang kung saan nila nabili ang mga furnitures at gamit
- Kabilang sa kanyang pinakita ay ang play area ng kanyang anak na si Cinco at ang kanilang master bedroom
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagbahagi ng apartment tour si Roxanne Barcelo sa kanilang nilipatang apartment sa Taiwan. Matatandaang nakapagbahagi siya ng home tour noong bago pa lamang silang lumipat doon.
Kabilang sa kanyang pinakita ay ang play area ng kanyang anak na si Cinco at ang kanilang master bedroom. Pinakita niya rin ang kanilang living room, dining area at ang kanilang kusina.
Kasalukuyang naninirahan ang kanilang pamilya sa Taiwan. Naibahagi niya rin sa naturang vlog na nakapanganak na siya sa pangalawang anak nila ni Jiggs.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Roxanne ay isang mang-aawit, songwriter, aktres, host at vlogger na unang nakilala nang sumali siya sa Metropop Search ng GMA-7. Nakasama din siya sa youth-oriented show na Click. Bukod sa kanyang paging bahagi ng ilang mga palabas sa telebisyon, sumikat din ang kanyang awiting "Kung Alam Mo Lang" (If You Only Knew), na tagalog version ng "Because I'm A Girl" na inawit ng South Korean female pop trio band na Kiss.
Matatandaang ibinahagi ni Roxanne na siya ay ikinasal na sa kanyang partner. Kwento niya, dalawang beses itong nag-propose sa kanya bago naganap ang kasalan. Samantala, hindi pa ipinapakilala ng aktres ang kanyang asawa ngunit nagbahagi siya ng ilang litrato na kuha sa kanilang pag-iisang dibdib. Bumuhos ang pagbati para sa aktres matapos nitong ibahagi ang tungkol sa bagong kabanata ng kanyang buhay.
Pinakilala ni Roxanne ang kanyang pangalawang anak na pinangalanan nilang Theodore Antonio na hango sa pangalan ng tatay ni Roxanne at sa kanyang lolo. Sa kanyang bagong vlog, binahagi ni Roxanne na nanganak siya ilang araw matapos niyang magdiwang ng kanyang kaarawan nitong taon. Matatandaang naibahagi ni Roxanne sa social media ang tungkol sa kanyang pagbubuntis sa pangalawang anak nila ng kanyang mister.
Source: KAMI.com.gh