Jake Ejercito, binahagi ang pictures nila ni Ellie sa kanilang bakasyon
- Binahagi ni Jake Ejercito ang mga pictures nila ng kanyang anak na si Ellie Ejercito sa kanilang pamamasyal sa Spain
- Marami ang naaliw sa pictures ng mag-ama na ayon kay Jake ay kanilang first time nilng magkasama sa ibang kontinente
- Matatandaang bago sila magkasama ni Ellie ay kasama muna ni Andi Eigenmann ang anak nila sa kanilang bakasyon kasama ang dalawa pang anak at si Philmar Alipayo sa France
- Matatandaang nauna na ring nasabi nina Jake at Andi na maayos ang kanilang pag-co-co parent para kay Ellie
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Binahagi ni Jake Ejercito ang mga pictures nila ng anak na si Ellie Ejercito sa kanilang pamamasyal sa Spain. Marami ang naaliw sa pictures ng mag-ama na ayon kay Jake ay kanilang first time nilng magkasama sa ibang kontinente.
Makikita sa binahaging mga pictures ni Jake ang pagiging malapit nilang mag-ama. Magkahawak-kamay pa sila habang naglalakad. Matatandaang bago sila magkasama ni Ellie ay kasama muna ni Andi Eigenmann ang anak nila sa kanilang bakasyon kasama ang dalawa pang anak at si Philmar Alipayo sa France.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Jake Ejercito o Juan Emilio Ejercito sa tunay na buhay ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at Laarni Enriquez. Siya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Kasama siya sa seryeng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)
Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya. Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.
Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinakita ang mga reaksiyon ng pamilya nila sa kanilang pagkakaroon ng baby
Naibahagi din ni Jake ang isang lumang picture ni Andi Eigenmann na kuha sa dinner date nila noong 2013 noong sila pa ang magkarelasyon. Binahagi niya rin ang picture ni Ellie na kagaya ng pagkakakuha ng picture ni Andi na kalahati lang ng kanyang mukha ang kita. Marami naman ang natuwa sa binahaging ito ni Jake dahil kahit hindi na sila ni Andi ay naibabahagi pa rin nito ang picture ng ex. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon sa pagiging co-parents sa anak nilang si Ellie.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh