Barbie Imperial, sa kanyang mga pimple marks; "It's normal, tao lang din naman tayo"

Barbie Imperial, sa kanyang mga pimple marks; "It's normal, tao lang din naman tayo"

- Ipinakita ni Barbie Imperial ang kanyang bare face kung saan mapapansing mayroon siyang mga pimple marks

- Aniya, normal lang daw ang magkaroon ng ganito tulad ng dinaranas din ng iba

- Inamin niyang minsan din niya umano ito naging insecurity ngunit na-realize niyang natural lamang itong mangyari

- Matatandaang kamakailan, naging kontrobersyal din ang 'acne post' ni Heaven Peralejo kung saan wala umanong nakitang anumang pimple ang netizens sa kanyang larawan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong vlog ni Barbie Imperial, ipinakita niya ang kanyang mukha na walang makeup.

Barbie Imperial, sa kanyang mga pimple marks; "It's normal, tao lang din naman tayo"
Barbie Imperial (Barbie Imperial YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na nabanggit niya sa naturang vlog ang paalala lalo na sa mga kababaihan na normal ang magkaroon ng pimple o acne marks.

"As you can see ang dami kong marks ng acne, ng acne pimple marks here. It's normal, tao lang din naman tayo," aniya.

Read also

Estudyanteng lakas-loob na naglalako ng turon sa paaralan, umantig sa puso ng marami

Aminado rin si Barbie na minsan na rin niyang naging insecurity ang pagkakaroon ng pimples hanggang sa na-realize umano niyang normal lamang na magkaroon nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"That usually happens kapag nag-pms ako, kapag magkakaroon ako, so hormones talaga siya, and that's completely normal," paliwanag ng aktres sa kanyang kondisyon na pagkakaroon ng cystic acne subalit nabanggit niyang nawawala rin ang mga ito.

Sa kanya namang Instagram post, muli siyang nagpaaalala lalo na sa mga kababaihang tila kalbaryo ang pagkakaron ng pimples lalong-lalo na sa mukha.

"I filmed this video while I was PMSing and had cystic acne causeI know a lot of girls also have the same problem but I wanna remind you na it’s normal at okay lang 'yan!"

Narito ang kabuuan ng kanyang video mula sa Barbie Imperial YouTube channel:

Read also

RR, sa acne post ni Heaven Peralejo; "Siguro napaka-insensitive niya to post that"

Si Barbie Imperial ay isang modelo at aktres sa bansa. Produkto siya ng reality show na Pinoy Big Brother ng ABS-CBN kung saan nagsimula ang kanyang showbiz career.

Samantala, naging usap-usapan din kamakailan ang acne post ni Heaven Peralejo. Isa ito sa mga isyung sinawsawan ni 'Sawsawera Queen' RR Enriquez.

Marami ang nagkomento sa post ni Heaven patungkol sa pagkakaroon umano niya ng pimple at acne marks gayung ang larawang kasama nito, wala raw makitang pimple ang mga netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica