Herlene Budol, ginawang motivation ang sinabi ni Miss Manila sa kanya
- Ayon kay Herlene Budol sa kabila ng mga nangyari, mayroon siyang dapat ipagpasalamat kay Miss Manila Alexandra Abdon
- Ito ay ang aniya'y naging motivation niya para galingan at pag-igihan ang kanyang performance para mapatunayan sa sarili niyang kaya niya
- Hiniling niya rin na sana ay tigilan na ang pangba-bash kay Miss Manila sa kabila ng mga nangyari
- Nagpasalamat din siya kay Miss Manila dahil sa nangyari dahil isa siya sa dahilan kung bakit siya nagsikap upang galingan sa kanyang pagsalang sa kanyang kaunaunahang national pageant
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ayon kay Herlene Nicole Budol, ginawa niyang motivation ang mga sinabi sa kanya ni Miss Manila Alexandra Abdon. Pinasalamatan niya rin si Miss Manila dahil isa umano ito sa mga naging dahilan na nagawa niya ang kanyang best sa pageant.
Para sa kanya, nabigla siya sa mga sinabi ni Miss Manila dahil hindi niya umano alam na scripted iyon kagaya sa mga sinabi ni Miss Manila. Aniya sana ay nasabihan man lang siya para hindi sumama ang loob niya.
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.
Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.
Source: KAMI.com.gh