Pambansang Kolokoy at Marites Mondina, hiwalay na matapos ang 20 taong pagsasama

Pambansang Kolokoy at Marites Mondina, hiwalay na matapos ang 20 taong pagsasama

- Inamin ni Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy sa pamamagitan ng isang video ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Marites Mondina

- Aniya, ayaw pa sana niya magsalita dahil may prosesso silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa mga video na binahagi ni Joel

- Inamin niya din na mayroon siyang bagong karelasyon sa kasalukuyan at masaya umano sila

- Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy na mayroon na siyang ibang karelasyon sa kasalukuyan. Kasunod ito ng kanyang pag-amin tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Marites Mondina.

Pambansang Kolokoy at Marites Mondina, hiwalay na matapos ang 20 taong pagsasama
Pambansang Kolokoy at Marites Mondina, hiwalay na matapos ang 20 taong pagsasama (@pambansang_kolokoy)
Source: Instagram

Aniya, ayaw pa sana niya magsalita dahil may prosesso silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa mga video na binahagi ni Joel. Ayaw din daw niyang magsalita ng hindi maganda tungkol kay Marites lalo at may mga masayang pinagsamahan naman sila at ina ito ng kanyang mga anak.

Read also

Rica Peralejo, aminadong namangha sa katatagan ni Camille Prats

Gayunpaman, aniya ay may mga pangyayari sa likod ng kamera na lingid sa kaalaman ng publiko na sa tingin niya ay karapatan naman nilang panatilihing pribado.

Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Simula nang nagkaroon ng pandemya, lalong dumami ang pumasok sa paggawa ng mga YouTube videos at ilan na rin sa mga magkakarelasyong YouTuber ang naghiwalay kaya na lamang nina Toni Fowler at Rob Moya, Makaganda at Makagwapo at Tim Sawyer at China Roces.

Kamakailan lang, matapos pagbatiin ni Toni sina Lai Austria at Rob, sumalang ang dalawang babae na naging bahagi ng buhay ni Rob sa isang challenge. Nagtagisan sila sa pagsagot ng mga tanong upang malaman kung sino sa kanilang dalawa ang mas nakakakilala kay Rob. Kabilang sa mga tanong ni Vince Flores sa kanila ay tungkol sa ilang personal na bagay tungkol kay Rob. Bandang huli ay parehas ang nakuhang puntos nina Toni at Lai kaya walang nanalo sa kanila.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate