Korina Sanchez, binahagi ang video ng first day of school nina Pepe at Pilar

Korina Sanchez, binahagi ang video ng first day of school nina Pepe at Pilar

- Binahagi ni Korina Sanchez ang isang nakakaaliw na video kung saan pinakita niya ang unang araw ng pagpasok sa paaralan ng kambal nilang anak na si Pepe at Pilar

- Makikita ang kambal na nakaupo na magkatabi sa loob ng sasakyan at magkahawak-kamay habang kinakausap ang kanilang ina

- Hindi pa rin nawawala ang pagsasalita nila ng hiligaynon ngunit binilinan sila ni Korina na magsalita sa Wikang Ingles para maintindihan sila sa school

- Marami ang naaliw sa pagiging bibo at kakyutan ng kambal na anak nina Korina at dating Senator Mar Roxas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Korina Sanchez ng video ng kanyang kambal na anak na sina Pepe at Pilar sa unang araw ng kanilang pagpasok sa school. Makikita ang kambal na nakaupo na magkatabi sa loob ng sasakyan at magkahawak-kamay habang kinakausap ang kanilang ina.

Read also

Ilang teachers sa Agusan, buwis buhay sa pagpunta sa tinuturuang paaralan

Korina Sanchez, binahagi ang video ng first day of school nina Pepe at Pilar
Korina Sanchez, binahagi ang video ng first day of school nina Pepe at Pilar (@korina)
Source: Facebook

Kinaaliwan ng marami ang pagiging madaldal at bibo ng kambal na hindi pa rin nawawala ang pagsasalita sa Wikang Hiligaynon. Ani Korina, dapat ay magsalita sila gamit ang Wikang Ingles sa paaralan para maintindihan sila ng kanilang mga kaklase at teachers.

Si Korina Sanchez ay isang award-winning Filipina broadcast journalist, newspaper columnist, radio anchor, senior field correspondent, TV news anchor, at magazine show host. Kinaaliwan ng mga netizens ang mga ibinabahagi ni Korina Sanchez na mga litrato at video ng kanyang kambal na anak na sina Pepe at Pilar. Kamakailan lang ay nagdiwang ang mga ito ng kanilang ikalawang taong kaarawan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Korina ang kanyang pasasalamat sa Panginoon na hindi siya tinatamaan ng COVID sa kabila ng pagtaas ng kaso ng nagkakaroon nito sa kasalukuyan. Patanong naman ang kanyang pahayag na pinagpala siya dahil sa dami ng kanyang tinutulungan. Dahil dito ay umani ng mga reaksiyon ang kanyang caption na kinalaunan ay pinalitan niya rin dahil aniya sa kanyang "miscalculated words" sa kanyang caption. Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay maraming kilalang mga personalidad ang tinamaan ng COVID kabilang na ang mga kagaya niyang journalists.

Marami ang naaliw sa video na ibinahagi ni Korina Sanchez sa kanyang Instagram account. Ibinida niya ang kanyang kambal na sina Pepe at Pilar na nakikipag-usap sa kanya gamit ang salitang Ilonggo. Maging si Korina ay nagtanong pa sa kasama nila sa bahay kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng kanyang mga anak. Ang mga magulang ni Mar Roxas ay parehas na Ilonggo na nagmula sa Negros Occidental at sa Roxas, Capiz.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate