Donnalyn Bartolome, binahagi ang video ng kantang ginawa para sa kanya

Donnalyn Bartolome, binahagi ang video ng kantang ginawa para sa kanya

- Binahagi ni Donnalyn Bartolome ang video kung saan maririnig ang isang kantang ginawa para sa kanya

- Ito ay matapos magpost ng content creator na si MG ng kanyang opinyon kaugnay sa kontrobersiyal na birthday celebration ni Donnalyn kamakailan

- Kalakip ng naturang video ay nabanggit ni Donnalyn na ginawaan umano siya ng kanta noon ni MG

- Samantala sa kanyang post ay mariing pinabulaanan ni MG na siya ang kumanta ng awitin sa video na binahagi ni Donnalyn

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Donnalyn Bartolome ang isang video ng awiting tungkol sa pagpapahayag ng paghanga sa kanya. Kalakip ng naturang video ay nabanggit ni Donnalyn na nagawaan umano siya ng kanta noon ni MG.

Donnalyn Bartolome, binahagi ang video ng kantang ginawa para sa kanya
Donnalyn Bartolome, binahagi ang video ng kantang ginawa para sa kanya (@donna)
Source: Instagram

Mariin namang pinabulaanan ni MG na siya ang kumanta ng awitin sa naturang video. Gayunpaman, hiniling niya kay Donna na kung maari ay burahin na nito ang post niya.

Read also

JM de Guzman, napaiyak ang isang fan sa kanyang "Attitude prank"

Matapos kasi magpost ni MG ng kanyang opinyon kaugnay sa kontrobersiyal na birthday celebration ni Donnalyn kamakailan, agad itong sinagot ni Donnalyn. Samantala, binura din kaagad ni MG ang nauna niyang post.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.

Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate