JM de Guzman, napaiyak ang isang fan sa kanyang "Attitude prank"

JM de Guzman, napaiyak ang isang fan sa kanyang "Attitude prank"

- Na-prank ni JM de Guzman ang kanyang fans nang ganapin ang kanyang fans day

- Isang fan niya ang naiyak matapos niyang magkunwaring napikon sa tanong sa kanya

- Kunwari ay nag-walk out pa siya sa kalagitnaan ng pagtatanong para maging mas kapani-paniwala ang kanyang prank

- Bumawi naman si JM matapos niyang gawin iyon sa kanyang prank sa pamamagitan ng pakikipag-bonding sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak ang isang fan ni JM de Guzman matapos ang ginawang "Attitude prank" ng aktor. Naganap iyon sa fans day kung saan nag-walk out pa si JM sa kalagitnaan ng pagtatanong sa kanya ng fan niya para mas maging kapani-paniwala ang kanyang prank.

JM de Guzman, napaiyak ang isang fan sa kanyang "Attitude prank"
JM de Guzman, napaiyak ang isang fan sa kanyang "Attitude prank" (@1migueldeguzman)
Source: Instagram

Halos lahat ng kanyang mga fans ay kinabahan nang mag-walkout ito at pumasok sa isang silid. Kunwari ay nagalit siya sa tanong na inihanda ng mga ito sa kanya. Bumawi naman si JM matapos niyang gawin iyon sa kanyang prank sa pamamagitan ng pakikipag-bonding sa kanila.

Read also

Donnalyn Bartolome, nagsalita na kaugnay sa kanto-style celebration: "Wala akong regrets"

Narito ang komento ng mga viwers ni JM sa kanyang prank:

Yung nanonood lang kami via Google meet pero kabang-kaba ako, di na yata ako himihinga hanggang matapos ang prank. Salamat po Sir JM sa oras nyo at sa pagpapasaya sa aming lahat.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Galing mo talaga mag prank kuya JM ganyan ang best actor, more vlogs papo kuya JM andto lang po ako nakaabang
Grabehan naman Po Yung prank masyadong ginalingan ni kuya Jm

Si Juan Miguel Gob de Guzman o mas kilala sa kanyang screen name na JM de Guzman ay isang aktor, mixed martial artist, model at singer. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Angelito: Batang Ama kung saan siya ang gumanap sa papel ng bidang si Angelito.

Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang ibinahagi nila ng kaibigan niyang si Arci Muñoz sa social media na inakala ng karamihan na totoo. Gayunpaman, prank lamang pala nila iyong lumabas na balitang may relasyon sila.

Read also

Ka-look-alike ni Jericho Rosales, ipinaglihi raw pala talaga sa aktor

Sa kanyang YouTube channel kamakailan ay binahagi ni JM ang isang tour sa kanyang van na kanyang tinuturing na bahay kapag nagtatrabaho siya at gumagawa ng pelikula at mga shows. Isang itim na Toyota Super Grandia ang kanyang napili dahil fan umano siya ni Batman. Naibahagi niyang mahilig siyang manood ng TV at maglaro ng video games habang naghihintay sa mga taping.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel