Jessy Mendiola, umaming matagal din nilang sinubukang mabuntis siya

Jessy Mendiola, umaming matagal din nilang sinubukang mabuntis siya

- Aminado sina Jessy Mendiola at Luis Manzano na matagal silang sumubok para lang mabuntis si Jessy

- Gayunpaman,ilang buwan dinn umano silang nadidismaya dahil sa paulit-ulit na pagkakabigo

- Naibahagi pa ni Jessy na naiyak siya sa tuwing dadating ang kanyang buwanang dalaw dahil nangangahulugang hindi pa rin siya buntis

- Kinalaunan ay hindi na sila masyadong namroblema tungkol dito at napagpasyahan umano nilang maghihintay na lamang sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado sina Jessy Mendiola at Luis Manzano na na-stress sila ng ilang buwan dahil sa pagkakabigo sa kagustuhan nilang magkaanak na. Naibahagi pa ni Jessy na naiyak siya sa tuwing dadating ang kanyang buwanang dalaw.

Jessy Mendiola, umaming matagal din nilang sinubukang mabuntis siya
Jessy Mendiola, umaming matagal din nilang sinubukang mabuntis siya (@senorita_jessy)
Source: Instagram
“We’ve been trying for months. Every time na siyempre hindi kami papalarin, malulungkot kami. So, dumating sa point na hindi na ako nagtetest o umaasa o pag magkakaroon ako, naiiyak ako."

Read also

Joshua Garcia, inaming ilang beses na nilang sinubukang magkita ni Bella Poarch

Hanggang sa dumating sila sa puntong hindi na umano nila pinilit na magbuntis si Jessy at maghihintay na lamang kung kailan ipagkakaloob sa kanila ang kanilang hinihiling.

“So, dumating sa point na hindi na rin kami masyadong pressured. Kumbaga, nag-usap kami na ‘Let’s have fun na lang, let’s enjoy. And antayin natin kung kailan ibibigay sa atin.’”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang kamakailan nga ay naispubliko na ng mag-asawa ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Jessy.

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Kamakailan ay binahagi ni Jessy ang isang video kung saan pinanood nila ni Luis ang ilan sa matuturing niyang kanyang "most embarrassing moments on TV." Kabilang sa kanilang pinanood ay ang kontrobersiyal na panayam kay Jessy noong panahong nakakatanggap siya ng matinding bashing. Ani Jessy, ganun ang nangyayari kapag hindi nagiging totoo sa sarili kaya aniya kung may babaguhin siya sa kanyang ginawa noon, iyon ay sana mas nagpakatotoo na lang siya.

Read also

Jessy Mendiola at Luis Manzano, naging emosyonal nang unang malamang buntis na si Jessy

Samantala, inamin ni Luis na mas marami umano ang cash ng misis na si Jessy kaysa sa kanya. Aniya, kadalasan ay si Jessy ang nagbabayad kapag kailangan ng cash. Kahit pag lumalabas umano sila at maging sa bahay ay si Jessy ang kadalasang nagbabayad ng cash. Naibahagi niya ito nang sagutin niya ang most searched Google questions tungkol sa kanila nang mag-guest sila sa vlog ni Small Laude.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel