Donnalyn Bartolome, nagsalita na kaugnay sa kanto-style celebration: "Wala akong regrets"
- Ayon kay Donnalyn Bartolome, wala siyang pinagsisihan sa kanyang ginanap na "kanto-style" birthday celebration kamakailan
- Ito ay sa gitna ng mga pambabatikos ng ilang netizens na hindi nagustuhan ang naging tema ng pagdiriwang ni Donnalyn
- Nilinaw niyang hindi lamang tema iyon dahil ang nais lamang niya ay balikan ang dati niyang paraan kung paano siya mag-celebrate ng kaarawan noong panahong walang-wala pa siya
- Pinasalamatan niya rin ang kanyang mga kaibigan dahil napasaya umano siya ng mga ito sa kanilang meme cake na tutong
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagsalita na si Donnaloyn Bartolome kaugnay sa kontrobersiyal niyang kanto-style birthday celebration. Aniya, wala siyang pinagsisihan sa tinuturing niyang "best birthday" umano para sa kanya.
Pinasalamatan niya rin ang mga kaibigan sa tutong na cake na aniya ay nakapagpasaya sa kanya. Sinabihan niya rin ang mga kaibigan na huwag isiping napahamak siya ng mga ito dahil wala naman daw silang tinapakang mga tao.
My life before fame at di ko ikakahiya salamat sa mga tropa kong napatawa ako sa meme cake kong tutong dahil mahilig ako sa extra rice.. wag niyo isipin napahamak niyo ako, wala naman tayong tinapakang tao. Sa dami nang tumapos nung video, nakita ko sa comments madami tayong na-inspire na taong magsumikap after they saw my old pictures sa kanto at nung sinabi ko yung secret to success at the end of the video. Wala akong regrets. BEST BIRTHDAY OF MINE SO FAR!!
Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.
Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.
Source: KAMI.com.gh