Brenda Mage, nagbabalak na magpagawa ng basketball at volleyball court

Brenda Mage, nagbabalak na magpagawa ng basketball at volleyball court

- Binahagi ni Brenda Mage ang kanyang plano na magpatayo ng basketball at volleyball court matapos ang pagpapagawa niya ng bahay niya

- Ito umano ay ipapagawa niya para sa kanyang mga kapitbahay at kamag anak na mahilig sa sports

- Aniya, kahit siya noon bata pa ay isa ding basketball player at aniya ay magandaang paraan din ito para maiwas sa masamang bisyo

- Binahagi niya rin ang picture ng isang bakanteng lote kung saan niya iapapagawa ang kanyang next project

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Brenda Mage, next project niya pagkatapos ng pinagawang bahay niya ay ang basketball at volleyball court para sa kanyang kapitbahay at kamag-anak na mahilig sa sports. Aniya ay magandaang paraan din ito para maiwas sa masamang bisyo.

Brenda Mage, nagbabalak na magpagawa ng basketball at volleyball court
Brenda Mage, nagbabalak na magpagawa ng basketball at volleyball court (facebook.com/BrendaMageOfficial)
Source: Facebook

Sa kanyang post kalakip ng kanyang mensahe, naibahagi niya ang picture ng bakanteng lote kung saan ipapagawa ang kanyang planong ipatayo.

Read also

Vice Ganda, sinabak ang mga co-hosts niya sa "bad dog challenge"

Next project Basketball and Volleyball court para naman sa mga kapitbahay at kamag anak ko na mahilig sa sports na alam kong gusto talaga nila dahil ako mismo during my childhood player din ako ng Basketball hahaha…Magandang function din tong laro para maiwas sa mga masasamang Bisyo ✌️ Have a Blessed and Happy Sunday ahead

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Matatandaang Umalma si Brenda sa mga panghuhusga sa kanya ng ilang netizens kaugnay sa kanyang bagong karelasyon. Ito ang mga taong nagsasabing pera lang umano ang habol sa kanya ng kanyang bagong boyfriend. Ani Brenda, kahit nga magaganda at pogi nga sa panahon ngayon ay naglolokohan kaya ano naman umano ang problema kung pera lang ang habol sa kanya. Matatandaang unang sumikat si Brenda nang sumali siya sa Miss Q&A ng It's SHowtime at kinalaunan ay sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahaginan lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel