Andrew Schimmer, naiyak sa pinadalang tulong ng isang nangangalakal
- Naibahagi ni Andrew Schimmer ang kanyang pinagdaanan simula nang i-post niya ang kanilang Gcash number para makatanggap ng tulong pinansiyal
- Ito ay para makatulong sa pagpapagamot niya sa kanyang asawang si Jorhomy “Jho” Rovero
- Nakwento niya ang tungkol sa natanggap niyang 5 piso mula sa isang taong ang ikinabubuhay lamang ay pangangalakal ng napupulot na basura
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Sa panayam sa kanya ng One PH, sinabi niyang hindi niya inasahan ang mga tulong hindi lang pinansiyal kundi maging emosyonal
Naiyak umano si Andrew Schimmer nang makatanggap siya ng 5 piso mula sa isang taong ang ikinabubuhay lamang ay pangangalakal ng napupulot na basura. Sa panayam ng One PH sa kanya, agad niyang sinabihan ito na huwag nang magpadala ng tulong sa kanya.
Gayunpaman, ang sabi umano nito ay sanay na siya sa gutom at dasal niyang mas patatagin pa umano ang pamilya nina Andrew.
Business establishment sa Brgy. Tagburos, nakunan ang multicab na posibleng sinakyan ni Jovelyn Galleno
Dahil marami na ang nagpadala ng tulong ay pinadala umano ni Andrew ang 1000 sa naturang nangangalakal.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ani Andrew, bumuhos ang tulong hindi lamang pinansiyal kundi mga dasal para sa kanilang pamilya. Kaya naman, abot-abot ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng panalangin at tulong pinansiyal sa siyam na buwang pagkaka-confine ng kanyang misis sa ospital.
Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).
Matatandaang humingi ng tulong si Andrew sa mga kasamahan niya sa showbiz at maging sa netizens para sa kanyang misis na si Jorhomy “Jho” Rovero. Nakaranas ng matinding asthma attack si Jho na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia. Dahil sa nangyari ay nasa ICU ng St. Luke’s Medical Center in Bonifacio Global City, Taguig City ang asawa niya at malaki na ang kanilang bayarin.
Nagbahagi ng mensahe si Andrew para sa kaarawan ng kanyang misis. Inihayag nito ang kanyang pagmamahal sa asawa na ilang buwan na ring namamalagi sa ospital. Umaasa ang aktor na muli niyang makikitang ngumiti at tumawa ang kanyang maybahay. Aniya, magkasama nilang haharapin at pagtatagumpayan ang pagsubok na kanilang dinaranas.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh