Huling panayam kay Cherie Gil, binalikan ng publiko matapos ang pagpanaw nito
- Sa panayam kay Cherie Gil ni Boy Abunda sa kanyang YouTube channel, napag-usapan nila ang tungkol sa buhay ni Cherie bilang aktres
- Naibahagi din niya ang ilang payo para sa mga nais pasukin ang mundo ng pag-arte kung saan nakilala siya at nakatanggap ng iba't-ibang parangal
- Makikita sa naturang panayam na masayahin ito at madalas pang tumawa habang sumasagot sa ilang katanungan
- Nilabas ang naturang panayam noong May 23, 2022, mahigit dalawang buwan ang nakaraan bago siya pumanaw
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ang panayam kay Cherie Gil ng TV host na si Boy Abunda ang maituturing na huling panayam sa yumaong aktres. Kaya naman, binalikan ng marami sa mga netizens ang naturang panayam na nilabas noong May 23, 2022, mahigit dalawang buwan ang nakaraan bago siya pumanaw.
Sa naturang panayam ay masayang ibinahagi ni Cherie ang kanyang pananaw sa bagay-bagay kaugnay sa kanyang matagumpay na karera bilang isang artista. Sa katunayan ay nagbahagi pa ito ng payo para sa mga nangangarap na maging bahagi ng industriya kung saan siya nakilala.
Marami sa mga netizens ang nakapansin na masigla ito sa naturang video at hindi makikitang may dinadamdam ito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Cherie Gil o Evangeline Rose Gil Eigenmann sa totoong buhay ay isang award-winning actress. Binansagan siyang "La Primera Contravida" dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang kontrabida hindi lamang sa mga serye sa telebisyon kundi maging sa pinilakang tabing.
Sa kanyang pagpanaw, marami sa mga kasamahan niya sa showbiz ang nagbigay pugay at nagbahagi ng kanilang mensahe sa batikang aktres. Kabilang si Lovi Poe sa mga artistang naghayag ng kanyang mensahe sa pagpanaw ni Cherie. Aniya, matuturing niyang malaking karangalan para sa kanya ang masampal ni Cherie sa seryeng "Legacy." Pinasalamatan ni Lovie si Cherie sa magandang alaalang iniwan nito.
Ang kanyang kapatid naman na si Michael de Mesa ay nag-post sa sociale media. Binahagi niya ang statement ng kanilang pamilya kung saan kinumpirma nilang pumanaw dahil sa cancer si Cherie. Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa post ni Michael na ayon sa naunang ulat ay iyak nang iyak sa loob ng kotse niya nang malamang namatay na ang kapatid niya.
Source: KAMI.com.gh