Beks Battalion, nawindang sa "Attitude prank" ni Francine Diaz

Beks Battalion, nawindang sa "Attitude prank" ni Francine Diaz

- Na-prank ni Francine Diaz ang Beks Battalion na kinabibilangan nina Chad Kinis, Lassy at MC Muah

- Isa-isang pinakitaan ni Francine ng kamalditahan ang tatlo para sa kanyang "Attitude prank"

- Makikita sa mga mukha nila ang pagtataka sa inaasal ni Francine lalo at lagi umano nilang pinapanuod ito at nais pa nilang makasama sa vlog

- Payo naman ni Francine ay dapat laging maging humble dahil kahit sa simpleng pagbabalewala ay nakakaapekto sa ibang tao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nawindang ang Beks Battalion nang magmaldita si Francine Diaz nang unang beses silang magkita lalo at gustong-gusto umano nila si Francine. Lingid sa kaalaman nila ay pina-prank pala sila ng dalaga.

Beks Battalion, nawindang sa "Attitude prank" ni Francine Diaz
Beks Battalion, nawindang sa "Attitude prank" ni Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Unang nabiktima si Chad na tahimik lamang habang nakikinig sa pag-aatitude ni Francine. Sa isang bahagi ng video ay umalis na lamang ito para pumunta sa CR dahil hindi siya masyadong kinakausap ni Francine.

Read also

Luis Manzano at Angeline Quinto, na-prank ang mga kasamahan sa I Can See Your Voice

Maging si Lassy ay nagulat sa pagmamaldita ni Francine. Si MC naman ay napaupo na lang nang tahimik sa likod at aminadong nagtatka kung bakit ganoon si Francine.

Aminado ang Beks Battalion na gustong-gusto nilang makasama sa vlog si Francine na maituturing na isa sa pinakahinahangaang aktres. Payo naman ni Francine ay dapat laging maging humble dahil kahit sa simpleng pagbabalewala ay nakakaapekto sa ibang tao.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil bukod nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel