Sunshine Dizon, binuweltahan ang basher: "Wag makikisawsaw"

Sunshine Dizon, binuweltahan ang basher: "Wag makikisawsaw"

- Hindi pinalampas ni Sunshine Dizon ang isang Instagram user na pumuna sa kanyang post tungkol sa pagbibigay niya ng babala kaugnay sa isang scammer

- Binura ni Sunshine ang kanyang naunang post tungkol dito at humingi ng dispensa sa mga taong nadamay sa kanyang post

- Isang IG user ang nagsabing dapat ay ilabas ni Sunshine ang pruweba nito kung totoo ang sinabi niya tungkol sa hindi pinangalanang lalaki

- Ani Sunshine, malinaw sa kanyang naunang post na kilala ng mga taong binibigyan niya ng babala ang kanyang tinutukoy kaya dapat ay huwag itong makisawsaw dahil hindi naman para sa kanya ang babala ng aktres

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bumwelta si Sunshine Dizon sa isang Instagram user na hinamon siya na maglabas ng pruweba laban sa lalaking kanyang tinukoy sa nauna niyang post. Ani Sunshine, malinaw sa kanyang naunang post na kilala ng mga taong binibigyan niya ng babala ang kanyang tinutukoy kaya dapat ay huwag itong makisawsaw dahil hindi naman para sa kanya ang babala ng aktres.

Read also

Kylie Padilla, laughing emoji ang bwelta sa nagsabing siya ang unang 'lumandi'

Sunshine Dizon, binuweltahan ang basher: "Wag makikisawsaw"
Sunshine Dizon, binuweltahan ang basher: "Wag makikisawsaw" (@m_sunshinedizon)
Source: Instagram

Ayon sa naturang netizen, kung hindi totoo ang sinasabi ni Sunshine ay naninira lamang siya ng buhay. Buwelta ni Sunshine, ang babalang iyon ay para sa mga taong nakakakilala sa lalaking kanyang tinutukoy.

Wag makikisawsaw malinaw na sinabing YOU KNOW WHO IM TALKING ABOUT kung di mo kilala di para sayo ang warning. Kung kilala mo naman mag demanda ka.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sunshine Dizon, binuweltahan ang basher: "Wag makikisawsaw"
Sunshine Dizon, binuweltahan ang basher: "Wag makikisawsaw" (@m_sunshinedizon)
Source: Instagram

Si Sunshine Dizon ay anak ng isang movie at TV producer. Sa kanyang murang edad na tatlo ay pinasok niya ang mundo ng showbiz. Ikinasal siya kay Timothy Tan, isang businessman noong 2010 ngunit nagkahiwalay din pagkatapos ng anim na taon.

Ibinahagi ni Sunshine na kahit nagkahiwalay sila ng dating asawang si Timothy, bilib umano ito sa pagiging ama sa kanilang anak. Nagkamali man ito, nakabawi naman ito sa kanyang pagiging responsableng ama sa kanilang mga anak. Kahit naging kontrobersiyal ang kanilang paghihiwalay, naging maayos ang samahan ng dating mag-asawa. Para sa kanya, basta gawin lang daw ng asawa ang responsibilidad nito sa mga anak nila, wala nang problema sa kanya.

Read also

Melai Cantiveros, umabot sa mahigit 4M views ang human drone video sa TikTok

Samantala, nagpapasalamat siya sa dating asawang si Timothy dahil nagagampanan nito ang kanyang obligasyon bilang ama sa mga anak nila. Ito ay sa kabila ng kanilang matinding pinagdaanan na nauwi pa noon sa demandahan dahil sa isyu ng third party. Itinuturing ni Sunshine na maswerte pa rin siya kahit paano dahil may katuwang siya sa pag-aalaga sa mga anak nila. Hindi niya umano aakuin na isa siyang single parent dahil nakakahiya iyon sa mga totoong single parent na kinakaya ang mga responsibilidad nang mag-isa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel