Catriona Gray at Nicole Cordoves, 'correct results' ang nabasa sa Binibining Pilipinas 2022

Catriona Gray at Nicole Cordoves, 'correct results' ang nabasa sa Binibining Pilipinas 2022

- Naglabas na ng pahayag sina Catriona Gray at Nicole Cordoves kaugnay sa announcement of winners ng Binibining Pilipinas 2022

- Ito ay dahil sa 'long pause' na tila agaw eksena sa pageant at siyang naging ugat ng umano'y pagdududa ng marami

- Subalit base na rin sa isinagawang pag-check ng ilang execom member, tama ang binasang resulta nina Catriona at Nicole

- Matapos din ang pageant, tahasang naglabas naman ng saloobin ang ina ni Herlene Nicole Budol na aniya'y nadismaya at umaasang mas mataas pa ang makukuha ng kanyang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binalot ng kontrobersiya ang umano'y 'long pause' sa pag-anunsyo ng mga nanalo sa Binibining Pilipinas 2022 noong Hulyo 31.

Catriona Gray at Nicole Cordoves, 'correct results' ang nabasa sa Binibining Pilipinas 2022
Binibining Pilipinas 2022 winners (Binibining Pilipinas)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay mahaba-habang palugit bago sabihin ng mga host ang pangalan ng nagwagi bilang Binibining Pilipinas International 2022.

Read also

Ina ni Herlene Budol, aminadong na-disappoint sa resulta ng Binibining Pilipinas 2022

Dumating pa sa punto na makikitang isang staff ang lumapit sa mga host na sina Catriona Gray at Nicole Cordoves na naging sanhi ng maririnig na sigawan ng ilan.

Marami kasi ang agad na nag-akala umano na may mali sa pag-anunsyo ng mga nanalo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa Instagram post nina Catriona at Nicole, naglabas sila ng parehong pahayag ukol sa nangyari.

"About last night...As the hosts of last night’s Binibining Pilipinas 2022, @binibiningnicolecordoves and I announced the winners accordingly based on the titles printed on the individual title cards as these were handed over by SGV & Co. partner and representative, Mr. Ocho."
"As a member of the overseeing committee during the deliberations (as pictured on slide 4 by BPCI Execom member @laraquigaman), Mr. Ocho later rechecked the cards and confirmed that the results previously announced were correct, which became the decisive factor in moving forward with the announcement."

Read also

Vice Ganda, nagtaka sa matagal na pag-anunsiyo ng nanalo sa Bb. Pilipinas 2022

"As former candidates ourselves, we understand what the girls go through and would, therefore—without a second thought—correct any errors, if any were made. But as already explained, SGV & Co. partner and representative Mr. Ocho himself confirmed the validity of the results"

Hulyo 31 nang ganapin ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2022. Pinakaabangan ito ng lahat lalo na sa isa sa mga matutunog na kandidata na si Herlene Nicole "Hipon Girl" Budol.

Matapos nitong mahakot ang pitong special awards at ang pagiging first runner-up, inamin ng ina ni Herlene na si Len Timbol sa isang panayam sa kanya na nadismaya umano sila sa resulta at umaasang mas mataas pa umano ang makukuhang titulo nito. Gayunpaman, masaya pa rin sila na maraming napanalunan si Herlene.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica