Toni Fowler, nasampal si Tito Vince matapos niyang mapaniwala sa prank sa kanya
- Nasampal ni Toni Fowler ang kanyang boyfriend na si Vince Flores habang tila iniinsulto nito ang kaibigan ni Toni na si Anthony Leodones
- Lingid sa kaalaman ni Toni ay prank lamang pala nina Vince at Anthony ang kanilang bangayan na sadya nilang pinarinig kay Toni
- Agad namang sinabi ni Anthony na prank lamang iyon kaya agad na nag-sorry si Toni sa pagsampal niya kay Vince
- Paliwanag niya, ayaw niyang mangyari uli na hindi magkasundo ang boyfriend niya at ang kanyang bestfriend
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nasampal ni Toni Fowler ang boyfriend nitong si Vince Flores matapos niyang marinig ang pang-iinsulto nito sa kanyang bestfriend na si Anthony Leodones. Hindi niya alam na prank lamang pala ito ng kaibigan at ni Vince.
Matapos masampal ni Toni si Vince, agad na tumayo si Anthony para pigilan si Toni at agad niya na ring sinabi na prank lang iyon. Maging siya ay nabigla sa ginawa ni Toni.
Paliwanag ni Toni, ayaw niyang mangyari uli na hindi magkasundo ang boyfriend niya at ang kanyang bestfriend kagaya ng nangyari noon kina Anthony at Rob.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.
Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang mga naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.
Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.
Source: KAMI.com.gh